Pagkatapos mag rant sa Converge, Liza Soberano pinuri ang PLDT at tinawag niyang "lifesaver", mga netizen samu't sari ang reaksyon - The Daily Sentry


Pagkatapos mag rant sa Converge, Liza Soberano pinuri ang PLDT at tinawag niyang "lifesaver", mga netizen samu't sari ang reaksyon




Photo from Google and Twitter




 Kamakailan lang ay nagpahayag si Liza Soberabo ng pagkadismaya sa kanyang internet provider na Converge dahil mabagal umano at hindi maganda ang customer service ng nasabing provider.


At ayon sa panibagong social media host ng Kapamilya actress, kasunod ng kanyang reklamo sa Converge, sinabi niyang sumaklolo kaagad ang PLDT sa kanya, isa sa malaking interner provider sa bansa.


Tinawag niyang "lifesaver" niya ang PLDT matapos nitong mag install sa kanyang tahanan ng Fibr internet na may bilis na 300 Mbps.


“Okay so @pldt came to my house yesterday and hooked me up with the best internet I have ever experienced in my whole 5 years of living in this house. 300 MBPS,” ayon kay Liza


“What a lifesaver. Lag? I don’t know her,” dagdag pa niya


Sa kanyang Instagram story naman, sinabi binahagi ng aktres na natapos niya ang kanyang online class at maraming meeting nang hindi nakakaranas ng "lag" o pagbagal ng kanyang internet connection.


Dahil dito, maraming netizens talaga ang napa #SanaAll at humiling na sana ay naging Liza Soberano na din sila upang mapansin ng PLDT.


""sana all artista para sana all napapansin ni PLDT"*


Photo from Google (ctto)


Mayroon namang pumuna sa tila gimmick na ito ni Liza at ng PLDT.


"Gimmick ni Liza pati ng PLDT para marami mag subscribe ul*l wala na kayo malol*ko bagal ng internet nyo noon pa"


"Nag reklamo sa converge, PLDT ang nag action 2 days after. Ano yon walang apply apply basta pumunta agad taga PLDT at kabit agad. Sana all. Next week may advertisement na ang PLDT na si Liza ang endorser magpapatunay na mabilis at walant lag ang PLDT fiber... Hajahaha" ayon naman sa isang pang netizen


Larawan mula sa Philippine Star


Mayroon ding nagbahagi ng kanyang karanasan sa Converge, ang provider na nirereklamo ni Liza. 


"Galing...naka 2x akong nag apply for internet connection sa pldt na yan walang nangyari. Una bago pa magkalockdown- nagsurvey pero hindi na binalikan at hindi na din matawagan ang number na ibinigay!...Pangalawa, puro pangako na bukas makalawa..buti nalang may nakapagbigay ng pwede tawagan para sa internet connection at si CONVERGE ang mabilis na naipaconnect!"