Ordinaryong PLDT customer ilang buwang inisnab ng kompanya: "Buti pa si Liza Soberano--naserbisyuhan kaagad," - The Daily Sentry


Ordinaryong PLDT customer ilang buwang inisnab ng kompanya: "Buti pa si Liza Soberano--naserbisyuhan kaagad,"



Larawan ng post ni Pol Medina | Liza Soberano

Naging laman ng social media ang mga nag trending na mga hinanaing ng mga PLDT customers kung saan nabatikos ang isa sa mga malaking telecommunications at internet provider ng bansa dahilan sa agaran nilang aksyon at mala-VIP treatment sa mga panawagan ng mga artista tungkol sa mabagal nilang koneksyon ngunit usad pagong ang aksyon sa kanila na mga ordinaryong kliyente.

Inireklamo ng isang netizen at PLDT customer na si Pol Medina Jr. ang kanyang matagal na ng inireklamong problema tungkol sa kanyang linya ng telepono pero wala siyang nakuhang sagot at aksyon mula sa PLDT.


Di niya maiwasang maikompara ang agarang aksyon na ibinigay ng kompanya doon sa simpleng daing ng lang mga artista sa kanilang social media, at sa kanya na halos ilang buwan nang nag-eemail at nagte-text ay niisa walang nakuhang tulong sa kompanya.

Lawarawan mula sa post ni Pol Medina Jr.


"Buti pa si Liza Soberano--naserbisyuhan kaagad ng PLDT. Ako, ilang buwan nang nag-eemail at nagte-text sa PLDT Cares (di ako makatawag sa hotline dahil nga wala akong landline.)-- wala pa ring nagpupunta sa bahay para mag-service,"

Kaya minabuti niya nalang magpunta sa opisina ng PLDT upang doon isangguni ang kanyang problema ngunit sa ibinahagi niyang larawan ng kanyang Queue stub ay pang 1,070 pa siya sa pila.

"So nagpunta na lang ako sa PLDT dito sa Talon Dos. Nag-text sa akin ang mga anak ko kung bakit alas siete ako umalis e hindi pa ako nakakabalik para magluto ng tangghalian. sabi ko malapit na akong umuwi. Number 9 na 'yung tinawag eh,"

Nag-ugat ang usaping ito ng magreklamo si Liza Soberano tungkol sa kanyang mabagal na internet connection mula sa kompanyang Converge kung saan ayon sa kanya 3-taon siyang may bayad ang kontrata sa kanila.


"Converge really needs to start fixing their internet speed. I am an unhappy customer,"

Agad naman itong inaksyonan ng PLDT at binigyan ng pinakamaganda at malakas na koneksyon ang artista.

"Okay so @pldt came to my house yesterday and hooked me up with the best internet I have ever experienced in my whole 5 years of living in this house. 300 MBPS. What a lifesaver. Lag? I don’t know her,"

Kabaligtaran sa naranasan ni Pol Medina, na ilang buwan walang sagot sa kanya ang PLDT Cares ay tapos na agad ang problema ng artista.

"Oh wow! Talk about speed. 🚀 We're so thrilled that you can now experience a lag-free internet connection at home, Liza! 😉 Welcome to the family! Should you need our online help, we're just a message away! ❤️,"

Julia Barretto | Larawan mula sa ABS-CBN

Ni-retweet ito ni Julia Barretto ang post ni Liza na may hastag na #SanaAll, agarang sagot naman ang PLDT kay Julia.

"Hey there, Julia! 👋 Came across your tweet and wanted to check if everything’s a-ok over there! Slide into our DM if you need any help. 😉❤️ ."

Pati na rin kay Bella Padilla na may tweet din na,"PLDT, bekenemen! My pldt wifi doesn’t reach 1 MBPS for downloading and/or uploading everytime I test it...ONE,"

"Uh-oh! Don't worry, Bela! Help is here! 😉 Just simply follow us back so that we could resolve this is no time. And oh, please don't forget to provide us your account number, okay? 👍 We'll wait for your DM,"


Umani ng pagbatikos ang kompanyang PLDT mula sa mga simple at mga regular paying customer nila na naglabas ng kani-kanilang mga hinanaing dahil sa hindi pantay na trato sa kanila.

"Kapag sikat ka,mag tweet ka lang sa mga internet provider na yan, nagkukumahog na sila sa pag ayos ng internet mo. pero pag ordinaryong tao ka lang, natawagan mo na lahat mg hotline nila, lahat ng email account napadalhan mo na ng love letter pero wala pa ding response,"

"Sis ipaglaban mo naman yong mg PLDT users na nagbabayad din naman ng maayos, pero trash customer service natatanggap. Kapag artista special treatment nila,"

***
Source:  Pol Medina

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!