Larawan kuha mula sa ibinahaging post ni Armie |
Hindi mapigilan ng isang Ninang na ibahagi ang naging karanasan niya sa Nanay ng kanyang inaanak noong siya'y pilit hingan ng panghanda at regalo para sa kaarawan ng anak.
Nagviral ang nasabing post ni Armie Armie matapos niyang tanggihan ang pinapa-sponsor sa kanya ng kumare niya na isang lechon at balloons dahil sa matagal nadin umano na hindi siya nakapagbigay sa inaanak.
Ibinahagi ng isang guro na si Armie ang naging usapan nila ng kumare niya na maliban pa sa panghanda na hinihingi sa kanya, humurit pa ito ng pang-gift isang brandnew Cellphone na nagkakahalaga ng 10-libo bilang marami pa umano siyang utang na regalo sa inaanak nito.
"Beshyie? Malapit na Bday ni ____. Baka makapagbigay ka kahit lechon lang, plz. At 3-dozens na Balloons din. 2-years ka nadin namang walang ibinibigay. Tsaka samahan mo din ng tig-10k na cellphone. 'Wag yung mas mura pa sa 10k ha, may utang ka naman sa kanya," PM ng kumare ni Armie sa kanya.
Larawang ibinahagi ni Armie |
Sinagot naman ito ni Armie na magbibigay siya ng gift na paboritong laruan ng inaanak dahil narin sa hirap ng buhay dala ng pandemya.
"Hulu Beshy! Baka pwede na magbibigay nalang ako ng regalo,"
"Ano nga ba yung gusto niya na laruan? Wala din kasi ako ngayon. Alam mo na naman sitwasyon ng C0vid. Laruan na lang. 4yrs-old na siya this coming Sept. di ba? Sagot ni Armie sa kumare niya.
Ngunit tila nag-iba na ang naging reaksyon ng kumare niya matapos siyang matangghihan.
"Lagi ka ngang bumibili ng mga pampaganda mo. Tapos yan lang di mo pa maibigay. Wala pa nga yang 5% sa mga utang mo sa inaanak mo. Anghel kaya to. Dapat lang talaga pagka-ninang ka, magbibigay ka ng malaki. WOW! May trabaho pero wala kang pera. Buti ka nga wala kang anak. Isang beses ka lang naman magbibigay sa isang taon. Nagkukuripot?" dagdag pa nito.
Maayos padin na sagot ni Armie na sana maintindihan niya na wala-walang talaga siya ngayon upang mapagbigyan ang demand ng kumare niya.
"Dear wala talaga ako ngayon. Nagkakaproblema ang lahat ngayon. I hope you understand. Love Love. Okay na yung laruan ha. Ipapawrap ko nalang kay Ate," sagot ni Armie.
Lalong nag-iba na ang pakikitungo ng kumare niya sa kanya.
"Grabe no? Kakarmahin ka din sa ginagawa mo amin. Kapal ng mukha mo. Inaanak mo, di ka makapagbigay. Wala ka kasing anak, kaya di mo ko ramdam,"
"Karma lang sa akin. Bili ka nga ng bili ng mga pamgpanganda mo. Tapos sa anak ko di ka makapagbigay. Kapal!," dagdag pa ni Kumare sa kanya.
Hindi na rin makapagpigil pa si Armie sa mga sinasabi ng kumare niya laban sa kanya.
Larawang ibinahagi ni Armie |
"Hindi naman ako kakaramahin sa pagiging pagpapasosyal-sosyal mo. Kung magcecelebrate ka, make sure may pang-gastos ka.
"Yes bumubili ako ng pampaganda ko worth 20 pesos lang, pero hindi ako nanlilimos sa iba. Yes dear wala akong anak. Pero hindi ko obligado ang magbigay sa anak mo ng ganyan kalaking halaga,"
10k worth or more na cellphone? With palechon and balloons? Sure ka? Minsan lang magbigay pero hinold-up mo na ang Ninang. How about kahihiyaan? Meron kapa ba niyan? Block na kita. You are not worth my time.
Narito ang kanyang post:
Paano magdemand ng Cellphone na worth 10k? Plus lechon and belloons? Ahaha so kung walang anak, obligado na agad magbigay ng ganyan kalaking halaga? Apaka-swerte naman! Huwag na tayong magnininang sa mga bata kasi napakademanding na masyado ang mga pasosyal-sosyal na mga Ina hahaha. Kung maghahanda man tayo, sana meron din tayong pang-gastos. Lalo na ngayong may C0vid ahaha. Siya pa yung galit? Pautang na lang ako para may pambili na tayo ng lechon at cellphone. Ahaha.
***
Source: Armie Armie
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!