"Paki-pusuan naman po 'yung picture ng baby namin."
'Yan ang madalas na mababasa ng mga taong minsan ng naimbitahan na mag-like ng picture bilang suporta sa isang baby o anak ng kakilala nila na kasali sa isang 'Photo Liking Contest'.
Dahil patok na patok ito ngayon sa social media, napakaraming magulang, kaibigan at kamag-anak ang nagkakandarapa na mag-tag, mag-mention at mag-share para paramihin ang like sa litrato ng kanilang anak o bet na baby.
Kaugnay nito, hindi nagpapigil at ibinunyag ng isang concerned netizen na isa ding ina, ang 'money-making scheme' na hindi alam ng karamihan sa lumalahok dito.
Narito ang kanyang matinding pagbubunyag:
So ayun na nga. Medyo naiinis na kasi ako sa mga mention nang mention sakin sa mga baby photo liking contest na yan.
Ohh baka may magsabi jan "Parang react lang, ipinagdadamot mo pa." Hindi po ganon. Let me explain.
Medyo disappointing lang kasi nagpapauto kayo sa mga page na yan. Na hindi nyo alam, pinagkakakitaan lang nila mga walang kamuwang muwang nyong Anak at pinaghahakot pa kayo ng iba pang mauuto. (Kasi additional points daw sa baby nila pag may invites. Lol)
Here's my thoughts about it. May nakita kasi akong page na parang hindi naman ata makatarungan yung prizes. Anyways, buhay nyo naman yan at opinyon ko lang naman ito. Feel free to bash me kasi lakompake.
Let's say may 350 kids na kasali per batch tapos ang registration fee ay P100, sooooo.
100 × 350 kids = 35,000
Ayan na agad yung total na kita nila sa isang batch. Tapos ganito yung mga prizes.
GRAND WINNER- 6,000
1st runner up- 3,000
2nd runner up- 2,000
3rd runner up- 1,500
4th runner up- 1,000
Top 6 to Top 10- 500 (500 × 5 = 2,500)
Top 11 to Top 20- 100 pesos load/GCash (100 × 10 = 1,000)
Special awards- 100 pesos load/Gcash (100 × 7 = 700 kasi 7 lang naman yung nakita ko don)
And by computing it, nasa 17,700 lang yung total of prizes nila. Imagine Mommy, ganun kalaki nakukubra nila? Halos 50% sa registration fee ng mga babies nyo.
So magkano nga ulit yung registration fee? 100 LANG? Tapos 350 kayong kasali? Aba Meses, para ka nga namang nanunundot ng tungaw sa tyansa mong manalo.
Kaya, Momshiiee! GISIINNGG!! Sayang na ang pera mo, pinagkakitaan pa Anak mo.
So ayun lang naman. Hahahahahaha. Again, OPINYON KO lang ang lahat ng ito. At the end of the day, bahala ka parin sa buhay mo. Your Child, Your rules.
Realtalk ko lang to mga Mars ha? Pero kung ang ilalaban nyo sakin eh yang certificate of participation jan, jusko. Gawa nalang ako ng sakin para di sayang 100 ko. Di pa ko napagod kakamention sa friends kong di ko naman kaclose.
PS. Kaunting kaalaman. Alam nyo ba na kapag may business ka ay kailangan registered ito sa DTI at BIR lalo na kung malaki na ang kinikita mo dito? Kapag hindi ka rehistrado, magiging illegal ang business na isinasagawa mo. Nawa'y nakuha nyo ang punto ko sa PS na ito.
Source: 1
Source: 1