Mga OFWs nagpatalbugan sa padamihan ng naipadalang pera sa #ResiboChallenge - The Daily Sentry


Mga OFWs nagpatalbugan sa padamihan ng naipadalang pera sa #ResiboChallenge




Screencap photos from GMA Stand for Truth/Youtube


Maituturing na makabagong bayani ang ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa panahon ngayon dahil sa napakaraming benepisyo ang naibibigay nila sa ating bansa at higit sa lahat sa kani-kaniyang mga kaanak na din.


Labis labis ang sakripisyo ang gingawa ng ating mga kababayan na OFW sa ibang bansa para lang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga kamag-anak kapalit ang sariling kapakanan. *



Lahat ng pagtitipid at sakripisyo ay gagawin makapagpadala lang sa kani kanilang mga pamilya. Kahit gagamitn na lang nila para sa personal na pangangailangan ay itinatabi pa upang makapagpadala sa mga mahal sa buhay sa Pinas.


Sa isang trending challenge sa social media na “#ResiboChallenge” kung saan ay padamihan at pakapalan ng resibong naipon, kaya naman hindi magpapahuli ang ating mga OFW pagdating sa padamihan ng resibo.


May ilang mga OFW ang kumasa sa hamon ng #ResiboChallenge, kung saan ay ginawang gown ang mga resibong naipon at nagmistulang beauty queen habang imino-model ang gown na yari sa mga resibo.


“Para kakaiba ‘yung sa’kin gumawa ako ng gown… Isang bag po tinatabi ko po para nakikita ko kahit sa resibo man lang. Sobrang hirap po pero masarap naman kasi nakakatulong sa pamilya. Nabibili nila kung ano ang gusto nila,”  pahayag ni Mary Ann Adriano na walong taon ng OFW sa Kuwait. *



Screencap photos from GMA Stand for Truth/Youtube



Naisip ni Mary Ann na sumali sa nasabing challenge dahil sa dami na nyang naipon na resibo. Dagdag pa niya, kada sweldo daw nya ay deretso padala na agad ito sa mga anak sa Pilipinas.


Kwento din nito, halos isang bag na resibo na ang kanyang naipon at tinatago nya ito para kahit papaano ay nakikita nya ang pinaghirapan kahit sa resibo man lang.


"Mahirap po pero masaya naman kasi nakakatulong ka sa pamilya mo, nabibili nila kung ano ang gusto nila." ani pa nito.


May dalawang anak na pinag aaral si Mary Ann kasabay pa ang bahay na kanyang pinapatayo sa kasalukuyan, kaya naman ang tanging natitira na lamang sa kanya ay ang mga resibo.



Bungo ng pagmamahal sa mga anak at ang pangarap nyang mkapag-tapos sa pag-aaral ang mga ito kaya nagsusumikap at nagtitiis si Mary Ann mag trabaho sa ibang bayan malayo sa kanyang mga mahal sa buhay. *


Screencap photos from GMA Stand for Truth/Youtube



Samantala, si ginang Marian Henarios naman na dating OFW sa loob ng pitong taon at ngayon ay isa ng on line seller sa Iloilo, na lumahok din sa nasabing challenge.


“Sa maglilimang taon kong bilang online seller marami po ako naging suki, mga customer, local man at international. ‘Yung resibo po na ‘yun ay nalikom ko sa loob ng limang taon at hindi ko itinapon, at iyon po yung gamit ko, na ginawang kong costume para sa 10K resibo challenge natin.” ani Marian.


Nainspired daw ang ating ginang sa lumahok sa challenge dahil nais nyang patunayan sa sarili nya na motivates sya at pursigido sya na gawin ang mga bagay na kaya nyang gawin at kung ano pa ang magagawa nya.



Gayun pa man, nagbigay ng payo ang isang Financial adviser na si Evangelina Pastor, para sa mga OFW na hangga't maaari ay itago nila ang kanilang mga resibo. *


Screencap photos from GMA Stand for Truth/Youtube



Dagdag pa nito, hindi raw advisable na pinapadala lahat ng ating mga OFW ang kanilang mga kinikita, kundi ang dapat daw ay magtabi ng sariling ipon para sa darating na panahon.


Paliwanag pa ni Pastor, ang mga pinapadalang pera ng ating mga OFW sa kanilang mga mahal sa buhay, kung minsan ay nauubos lamang sa paggasta o pagbili ng kung anu-ano at nawawaldas ito sa halip na ipunin.


Ito marahil ang nagiging dahilan ng ilan nating kababayan na nagta-trabaho sa ibang bansa, dahil lahat ng kinikita ay ipinapadala na imbes magtabi para sa pag-uwi nito sa pinas ay maaari na lamang itong mag-invest sa negosyo at mamuhay kasama ang pamilya.



Sa panahon kasi natin ngayon ay walang kasiguraduhan dahil sa krisi dulot ng pandemya. Kailangan ay maging wais sa pag gasta ng pera, suriin kung ano ba ang mga basic needs na dapat unahin bago ang luho. *


Screencap photos from GMA Stand for Truth/Youtube



Bukod pa sa mga nabanggit, ang mga resibong naitago ay maaring gamitin bilang patunay sa mga darating na panahon o sa oras na magkaproblema, upang madaling balikan at patunayan ang isang bagay, mayroon kang ebidensya dahil sa naitagong mga resibo.


“If you are able to keep all those proof or receipts na puwedeng patunay in the near future na magkaroon ng problema at kailangan i-trace back ang history ng isang bagay, ayan, hindi ka mahihirapan patunayan na ‘I paid for this, nagpadala ako ng ganitong halaga’ lalo na ngayon na every centavo counts,” sabi ng Financial advisor na si Evagelina Pastor.



Ang mga resibong naipon ay syang nagiging patunay sa lahat ng mga sakripisyo at pagod ng ating mga OFW na nalalayo sa kanilang mga pamilya kaya mahalaga na maging matalino sa paghawak ng pera.


Naging katuwaan man ang kinalabasan ng resibo challenge para sa iba pero sa kabilang banda isa itong patunay ng ilang taong pagsusumikap at sakripisyo ng ating mga makabagong bayani, ang mga OFWs. *

Screencap photos from GMA Stand for Truth/Youtube