Korean influencers, netizens send out heartfelt apologies to Filipinos over racism issue #SorryToFilipinos - The Daily Sentry


Korean influencers, netizens send out heartfelt apologies to Filipinos over racism issue #SorryToFilipinos



 

Screencap photos from Youtube



Humingi na ng tawad ang ilang mga Korean influencers hinggil sa nakaraang issue na nagviral sa Twitter na #Cancel Korea na kinasangkutan ng isang Filipino American at social media influencer na si Bella Poarch.


Nais mag apologize sa mga Filipino netizens ang mga Korean influencers na ito in behalf of the Koreans na nadawit sa sagutan sa social media ukol sa racist issue na binabato ng magkabilang panig. *



Nagsimula ang nasabing kontrobersiya ng punahin ng isang Korean netizens ang tattoo ng Filipina-American Tiktok star na si Bella Poarch kung saan makikita ang simbolo ng bansang Japan na isang sumisilang na araw, at ayon sa Korean netizen, ito raw ay ginamit ng hukbong militar ng mga hapos sa panahon ng pananakop sa Korea.


Ang nasabing digmaan ay tumutukoy sa pananakop ng Japan sa bansang Korea noong unang panahon kung saan ay nagpapa-alaala ito ng hindi magandang mga pangyayari para sa mga koreano.


Subalit, nang malaman ito ng Fil-Am Tiktok sensation, agad din namang humingi ng paumanhin ito at nangakong ipapatanggal ang nasabing tattoo.


“I didn’t know the history behind the tattoo and I will educate others about it,” pahayag ni Bella.


“Please learn from my mistake,” dagdag pa ni Bella sa mga followers. *



Photos courtesy of Interaksyin/Philstar



“Please learn from my mistake,” ani pa ng dalaga.


Ngunit hindi ito tinanggap ng ilang mga Korean netizens bagkus patuloy pa rin sila sa pag komento ng hindi mga kanais-nais sa Tiktok at Twitter accounts ni Bella, na talaga namang may kasamang panlalait hindi lamang sa Fil-Am Pinay kundi maging sa lahat ng Filipino na din.


Kaya naman hindi nagpatalo ang mga Filipino netizens sa social media at di na naiwasang mag react na ang mga ito at hanggang sa nagviral na nga sa Twitter ang hashtag #CancelKorea at ang #ApologizeToFilipinos bilang di pagkondena sa racial discrimination na ibinabato ng mga Koreano netizens sa social media.


Naging kontrobersyal din ang nasabing issue at naging laman na rin ito ng mga local news at ibang media outlet sa Korea kasunod ng pagviral nito. *


Photo courtesy of LatesChika



“The incident is raising concern in South Korea that the popularity of Korean entertainment could be hit hard in the Philippines,” ayon sa  Korea Times.



Kaya naman ilang araw matapos ito magviral ay agad ng humingi ng paumanhin ang ilang mga Korean netizens dahil sa hindi naging magandang iniasal ng ilan nilang kababayan tungkol sa issue.


Ngayon naman ay muling nagtre-trending sa South Korea ang hashtag #SoryToFilipinos sa kabila ng mala racist na di pagkakaintindihan.


Maging ang ilang South Korean influencers ang nagpahayag ng kanilang taimtim na paghingi ng paumanhin sa pamamagitan ng kanilang mga Youtube channels.


Isa na rito ang dating nag-aral at nanirahan sa Pilipinas sa loob ng siyam na taon na si Jessica Lee, na nagpahayag ng saloobin: 



“Any form of racial discrimination is unacceptable for me, and pretty sure with many of you guys as well. So, about this and to those people who got offended by these comments of some Korean netizens, I would like to apologize from the bottom of my heart. " *


Photo courtesy of LatesChika



“I’m very sorry for you guys. I feel very uncomfortable guys because I also grew up in the Philippines so I would like to apologize on behalf of those rude Korean netizens.”


ganito din ang saloobin ng YouTuber na si Juhwan Kim na nakikiusap sa kanyang mga kababayan, “refrain from generalizing Koreans based on those few comments.” 


“I’m truly sorry if you’ve been misunderstood or hurt by some people who criticized in the comments section about the Philippines, their country culture and its people,” aniya.


“There are lots of people including me who love the Philippines, their culture and their people, and we’re so thankful that they have contributed to the Korean war, etc.”  dagdag pa ni Juhwan.



Samantala, si Kuya Koreano Ricky Park naman ay nagpaliwanag sa kanyang YouTube channel para sa kanyang kababayan ngunit hindi aniya katanggap-tanggap ang magsabi ng isang racist na komento sa sinuman. 


“I’d like to apologize to those Filipinos who were hurt by this issue,” pahayag ni Ricky Park.


“The way they bash is totally off-topic. Attacking on this kind of, like, racial discrimination is totally irrelevant. I think they are the ones who (are) uneducated for focusing on something that is totally off topic.” dagdag pa niya,



Photo courtesy of LatesChika