INVISIBLE 50s: Netizen, ibinahagi ang epektibong technique kung paano makakaipon ng malaki - The Daily Sentry


INVISIBLE 50s: Netizen, ibinahagi ang epektibong technique kung paano makakaipon ng malaki




Marami ang gustong magkaroon ng sapat na pera at hindi mamroblema sa mga gastusin lalo na sa panahon ng pangangailangan. Ngunit iilan lang ang nagagawang makapag-ipon dahil sa sari-saring dahilan na humahadlang sa marami para magawa ito ng matagumpay.  


Isa na dito ang kakulangan ng disiplina at determinasyon para mapanindigan ang hangaring makapagtabi ng pera para may madukot tuwing kakailanganin ito.


Hindi malayo dito ang pinagdaanan ng isang netizen na nagbahagi ng kanyang kwento.


Ayon kay Yona Abella, aminado syang magastos sya noon. Ngunit nang dahil sa technique na ginagawa nya ngayon upang hindi makapag-aksaya ng pera, ay nakapag-ipon sya ng malaki sa loob lamang ng ilang buwan.


Sa larawan na in-upload ni Yona, makikita ang mga hawak nyang P50.00 bills.



Paliwanag nya, lahat ng P50.00 bills sa kanyang kaperahan ay mistulang 'invisible' o hindi nakikita dahil itinatabi nya lahat ng iyon para sa kanyang savings at bawal nyang magastos.


Dahil dito, ang pagtatabi nya ng P50.00 bills ay nagbunga ng halos P50,000 sa loob lamang ng limang buwan.



Aniya, "5mos ko po na save tong 846 pcs ng 50's ganito ang aking ginawa, LAHAT NG 50 pesos na mahahawakan ko at invisible MUNA sakin it means di ko siya gagastusin for example nag bayad ka ng buong 500 pesos then ang sinukli sayo 4 na 50's , yung 4pcs na 50's dapat invisible sakin hindi ko siya pwedeng gastusin. kailangan yung remaining na sinukli na hindi 50's yung lang gagastusin at pagkakasyahin ko."


Sobrang displina umano ang ginawa nya sa sarili para lang masiguradong magagawa nya ang hangarin nyang makapag-ipon. 


Basahin ang kanyang kwento:


TAKE TIME TO READ BAKA MAKATULONG SA SAVINGS.. by Yona Abella


This is to inspire and not to brag.


50 PESOS CHALLENGE HERE'S HOW;


yehey!!!! daming 50's diba? dagdag savings. malayo mararating mo kapag nag decide ka disiplinahin sarili mo lalo na sa savings. kasi karamihan satin nag alkansya para makapag save pero kapag gimikan o galaan game na game at dudukot o susundutin or worst babasagin ang kanilang alkansya matuloy lang ang mga wants nila pero nasa tao naman talaga ang disiplina kung pano sila makakapag save. hindi natin dapat unahin ang mga wants natin, dahil ang WANTS makakapaghintay pero ang NEEDS hindi. Aminado ako before magastos akong tao pero hindi naman kasi tayo pa bata, pa tanda po tayo kaya sana isipin natin lahat ng pag gagastusan natin dahil hindi natin alam may mga respinsibilidad tayo sa buhay na dapat pag laanan ng savings. Need natin mag save habang bata pa tayo para pag dumating ang near future hindi tayo sobrang mamomoblema when it comes sa money kasi alam mong nakapag save ka.


5mos ko po na save tong 846 pcs ng 50's ganito ang aking ginawa, LAHAT NG 50 pesos na mahahawakan ko at invisible MUNA sakin it means di ko siya gagastusin for example nag bayad ka ng buong 500 pesos then ang sinukli sayo 4 na 50's , yung 4pcs na 50's dapat invisible sakin hindi ko siya pwedeng gastusin. kailangan yung remaining na sinukli na hindi 50's yung lang gagastusin at pagkakasyahin ko. sobrang disiplina ginawa ko dito kasi naniniwala ako na kapag GUSTO MADAMING PARAAN, KAPAG AYAW MADAMING DAHILAN. sana po nakatulong ako sainyo at namotivate ko kayo ng konti 😊 . Thankyou sa mga nagbasa. Godbless. Thankyou din sa ka buddy ko mag ipon at sa kumuha ng photo na yan


© Yona Abella