Ina, labis ang takot nang malamang nasa pedo website ang pictures ng anak nya - The Daily Sentry


Ina, labis ang takot nang malamang nasa pedo website ang pictures ng anak nya





Nang dahil sa pandemya, marami sa atin ang nananatili na lang sa bahay. Bunsod nito, ang ilan ay hindi maiwasang ma-bore o mainip at makisali sa mga nauusong gawin sa gitna ng krisis. Isa na dito ang mga challenge sa social media na patok na patok sa mga netizen.


Tulad na lang ng pagpost ng larawan ng mga batang anak gamit ang mga hashtag na #drop_your_daughter_pic_challenge, #drop_your_son_pic_challenge, #drop_your_children_pic_challenge, #drop_your_cute_son_challenge, #drop_your_cute_children_pic_challenge, #drop_your_handsome_son_challenge.

Ngunit sa gitna ng katuwaan at pakikiuso ng lahat dito, isang nanay ang nagbahagi ng labis na pagkabahala at takot dahil sa naging dulot ng kanyang nalaman na may kaugnayan sa trending na challenge na ito. 

Bigla na lang kasing may nag-abiso sa kanya na ang larawan ng kanyang babaeng anak noong ito ay anim na buwan pa lamang ay nakita sa isang Russian website kung saan ito pinagpepyestahan ng mga pedopilya o mga taong may interes sa mga bata.

Meron pa umanong larawan doon kung saan in-edit ang picture ng kanyang anak o nilagyan ng make-up, para mas magmukhang kaakit-akit sa paningin ng mga taong interesado sa kanila. Gaya na lang ng isang litrato kung saan nakunan na gumagapang ang bata at may nagkomento sa website na "good position".


Ayon kay Amanda, nanay ng baby, hindi raw sya mapakalma ng kanyang asawa habang nanginginig sya at hindi matigil sa kakaiyak nang malaman ito.

Hindi raw sya makatulog nang marinig ang masamang balita dahil bukod sa komentong nabasa nya sa litrato ng kanyang anak, mas malala pa umano ang nabasa nyang komento para sa ibang bata sa puntong nasusuka na sya.

Aniya, ‘I just feel so sick and I feel sad for those babies.’ 

Unang naibahagi ang larawan ng kanyang anak sa Instagram bago kumalat sa pages kung saan mga cute na bata ang post. Dahil dito, nagbigay babala sya sa mga kapwa nya magulang na maaaring gamitin ang larawan ng kanilang mga anak sa mga hindi kaaya-ayang bagay tulad ng nangyari sa kanyang anak na ngayon ay dalawang taong gulang na.


Sa ngayon ay naka-private na ang kanyang Instagram at ni-report na rin sa pulisya ang naturang pangyayari.

‘I don’t want anyone else to go through that and I don’t want these children on that site with this happening to them. Me staying quiet isn’t helping anyone, I need to make people aware this site is there and the more attention that’s brought to it it will get it taken down.’ paliwanag ni Amanda mula sa Merseyside, Liverpool.