Hinuhulugang bahay ni Lloyd Cafe Cadena, fully paid na pala dahil sa MRI - The Daily Sentry


Hinuhulugang bahay ni Lloyd Cafe Cadena, fully paid na pala dahil sa MRI



 

Photo courtesy of Facebook @Lloyd Cafe Cadena


Sa pamamaalam ng isa sa mga kauna unahang vlogger dito sa Pilipinas, na si Lloyd Café Cadena, madami ang nagulat at nagdalamhati at biglaang pagkakawala nito.


Bumuhos ang pakikiramay sa social media mula sa kanyang mga malalapit na kaibigan, kamag-anak, mga kapwa vloggers at higit sa lahat ang kanyang mga fans. *


Ayon sa kwento ng mga taong nakasama at nakadaupang palad ni Lloyd nang ito ay nabubuhay pa, ay likas na masayahin, mabait na kaibigan at anak at higit sa lahat ay hindi nito nakaka limutang magbahagi ng mga biyaya at tumulong sa mga nangangailangan.


Kaya naman nitong krisis sa pandemya, hindi pinalampas ni Kween LC ang pagkakataon na tumulong sa ating mga kababayan.


Lalo na sa mga nawalan ng trabaho ngayon pandemya, namigay ng PPE at nitong huli lang, ay namigay naman ng mga tablets ni Lloyd para sa ating mga mag-aaral na walang kakayanang bumili ng gadget para sa nalalapit ng on line schooling.


Subalit sa pagkawala ni Lloyd, marami ang naglalabasang mga katanungan kung paano na ngayon ang kanyang pamilya? Paano na ang kanyang in ana siyang pinakamamahal nito dahil bunso si Lloyd sa kanilang magkakapatid. *


Photo courtesy of Facebook @Lloyd Cafe Cadena


Alam din ng lahat kung gaano kamahal ni Kween LC ang kanyang mga magulang higit sa lahat ang kanyang inang si Mother kween.


Sa katunayan, binilhan pa ni Lloyd ng bagong bahay ang kanyang ina dahil sa ito nga ay malapit ng magretiro. At ang nasabing bahay ay nagkakahalaga ng walong milyong piso (P8 million) na hinuhulugan pa ito bago pa man mamaalam ang ating sikat na vlogger.

 

Simula sana itong maisakatuparan ni Lloyd kasama ang kanyang  mga mahal sa buhay, ngunit sa isang iglap sa isang masamang panaginip, ay biglang nagbago ang lahat ng mawalay si Lloyd sa mundong ito.

 

Isa sa mga inaalala ng marami ay kung paano na ngayon ang pamilya ni Kween LC, na itinataguyod nya? Sino na ang magbabayad ng kanyang bahay? Samantalang hindi naman ito kayang bayaran ng kanyang ina. *

Photo courtesy of Facebook @Lloyd Cafe Cadena


Marami ang nag-aalala tungkol sa pagbabayad nito. Mabuti na lamang at sinagot ito ng isang construction company kung saan ay nag-eespecialize sa pagpapatayo at pagdedesign ng mga bahay thru financing.


Ayon sa pahayag ng Alpton Construction, fully paid na daw ang bajhay ng ating pioneer vlogger, dahil sa tinatawag na Mortgage Redemption Insurance o MRI.


Ano nga ba ang MRI at marahil ay ngayon lang natin nalaman ang ganitong arrangement o agreement sa pagitan ng housing loan financier at ng buyer ng bahay.


Noon pa mana ay may ganito ng kasunduan ang mga banko at ang PAGIBIG housing loan, kung saan ay isang requirement ito bago pa man aprubahan ang inyong housing loan.


Sa mga pangyayaring hindi inaasahan gay ana lamang ng pagpanaw ng buyer ng bahay o kung kanino man nakapangalan ang bahay, ay otomatiko itong mababayaran ng buo sa pamamagitan ng MRI. *

Photo courtesy of Facebook @Lloyd Cafe Cadena

Kaya wala na dapat ikabahal pa ang mga mahal natin sa buhay kung sino ang magpapatuloy sa pagbabayad ng bahay na ating ni-loan. Yan ay dahil sa insurance o ang MRI. *


At para sa ikapa panatag ng loob ng lahat, bayad na po ng buo ang bahay ni Lloyd, at alam naman natin na ayaw na ayaw ni Lloyd na maghirap pa ang kanyang mama.


Ganyan kamahal ni Kween LC ang kanyang Mother Kween kaya wag ng magpakalat pa ng mga maling balita.


Narito ang kasagutan ng Alpton Construction na kanilang ibinahagi sa social media:


“What is ,MRI or Mortgage Redemption Insurance? MRI is a requirement by PAG-IBIG and banks before approving your HOUSING loan. The proceeds of your insurance will fully pay the remaining LOAN while the excess of the insurance money will be given to your heirs.


Did you ever wonder what will happen to your house without MRI? PAG-IBIG and Banks can foreclose your property regardless of how much is your remaining loan. MRI ensures that your family will STILL have your house to live when you die too soon. “ ani ng Alpton Construction. *

 

Photo courtesy of Facebook @Lloyd Cafe Cadena