Screencap photos from Nielyn Mapajo/Facebook |
Trending ngayon sa social media ang isang video na inapload ng isang netizen kung saan mapapanood sa naturang video ang isang ginang na tumatanggi at nakikipagtalo sa mga tauhan ng isang barangay.
Makikita sa nasabing video na nakikipagtalo ang isang may bahay sa mga tauhan ng barangay dahil gusto itong isama sa barangay dahil naabutan itong walang suot na facemask habang naglalaba sa tapat mismo ng kanyang bahay at sa loob ng kanilang bakuran. *
Ngunit pinaliwanag nito ang kanyang dahilan kung bakit wala syang suot na facemask at tumatanggi itong sumama sa imbitasyon ng mga opisyales ng barangay.
Nais ding ticketan at pagmultahin ng mga tauhan ng barangay ang ginang dahil sa paglabag sa kautusan ng IATF hinggil sa health protocols sa mga pampublikong lugar.
Subalit lalo lamang tumanggi ang ginang dahil sa malaki ang multa na kaakibat ng ticket na ibibigay sa kanya ng mga barangay.
Ayon sa ginang ang multang P1,000 ay lubhang napakalaki sa halip na ipapabili na lamang nila ng pangangailan sa bahay ay mapupunta lang sa multa.
Kaya naman nanindigan ito na hindi nya alam na bawal maglaba sa loob ng bakuran na walang suot na face mask.
Sa kabila nito maayos naman na nakikiusap ang ginang at halos nagmamakaawa na nga ito sa mga tauhan ng barangay. *
Screencap photos from Nielyn Mapajo/Facebook |
Tila nagmamatigasan ang magkabilang panig at sinabi pa ng isa sa mga opisyales ng barangay na marami na silang naticketan sa labas dahil nga sa paglabag sa di pagsuot ng facemask.
Sumagot naman ang ginang at sinabi nito na mga nakatambay lang naman ang mga taong iyon at hindi kagaya nya na naglalaba sa loob ng kanilang bakuran.
Napansin ng mga lalaki na kinukuhaan sila ng video ng isa sa mga kasama ng ginang na sya lalong nagpagalit sa mga tauhan ng barangay.
Nagbanta pa ang mga ito na kanila ring isasama ang mga kumukuha ng video at kakasuhan dahil sa pagtanggi ng ginang na sumama sa barangay.
Pilit pang hinihingi ng mga opisyales ng barangay ang ID ng ginang ngunit humingi ito ng pasensya at hindi nya ito ipapakita sa kanila. *
Screencap photos from Nielyn Mapajo/Facebook |
Sa puntong ito, hindi na itinago ng ginang na kinukuhaan nga nila ang ginagawa ng mga tauhan ng barangay at nanawagan na ito sa pamamagitang ng Facebook.
Panawagan ng ginang. " naglalaba lang ako, naglalaba lang po ako sa harap ng ano, kakasuhan na nila ako, titicketan na po nila ako. Ganun ba talaga ka-unfair ang batas ngayon?"
"Tapos titicketan ka at tutubusin mo ng isang libo at kapag hindi mo natubos kakasuhan ka ng another kaso! Napaka unfIR ng batas! Ayan oh, nasa harap ako ng tahanan ko, trespassing na yan!" pahayag ng ginang.
"Nasaan ang human rights dyan? Hindi po ako pasaway, dahil hindi po ako nag gagala gala dyan sa labas ng hindi nagfe-facemask. Nandidito ako sa harap ng bahay ko! Ayan oh, ilang inches lang." dagdag pa nya. *
Screencap photos from Nielyn Mapajo/Facebook |
Samantala, tila lalo itong ikinagalit ng mga taga barangay at pabalang na sumasagot sa kinakatuwiran ng ginang.
Sari-sari naman ang naging reaksyon at opinyon ng mga netizens tungkol sa pangyayari. Narito ang kanilang mga komento:
May ibang mga netizen ang nagsasabi na tama lang ang naging reaksyon ng ginang at nagign matalino lang ito sa kanyang mga katwiran kumpara sa mga opisyales ng barangay na tila nilayasan na ng sentido kumon.
"Ang Alam ko po pag nasa public place ka at walang face mask pag sasabhin ka nila sisitahin ka pero UNG iibentahan ka kakasuhan ka mag mumulta ka kaagad Ng 1k parang di Naman yata Tama Yan Isa pa nasa tapat Lang sya Ng pintuan Ng bahay nya naglalaba..KAyo po mga frontliner kelangan nyo naka face shield pero Wala kayong mga sout.." *
Screencap photos from Trending Pilipinas /Facebook |
"OMG, nakakapikon naman yan, nasa labas lang ng pinto nila at nag lalaba wala namang ibang tao sa paligid nila, my God alam ba nila kung bakit mag susuot ng mask in the 1st place? Hindi ka mamamatay sa covid kundi mamamatay ka sa kunsumisyon sa mga taong ganito. Sakit sa bangs"
"It would be best to those doing their job policing to use their common sense sometimes! She’s doing her laundry and it’s where she always does it outside considering she lives in a very small house! If anything she’s within her premise and no one is within the prescribed distance! Those 3 are not observing distance among themselves too part of the regulation going on.They themselves should be at least. a meter apart! Leave the poor woman alone! And please use your brain sometimes. What happened to that senator who’s wife delivered and he went in the hospital unmasked? Nothing! That’s worst than this!"
Marami ang hindi sang-ayon sa ginawang ito ng mga tauhan ng barangay lalo pa at patuloy na apektado pa rin ang kabuhayan ng marami sa ating mga kababayan dahil sa pandemya. *
Screencap photos from Trending Pilipinas /Facebook |