Screencap photos from Youtube/ABC13 Houston |
Lahat naman ng tao sa mundo ay nangangarap yumaman balang araw. Mayroong mga tao na doble sipag ang ginagawa para yumaman, nagpapakadalubhasa sa mga propesyon na napili, ngunit ang iba naman ay nagnanais ng instant na pagyaman at ayaw ng paghirapan pa at magbanat ng buto upang yumaman at maging maaluwal sa buhay. *
Isa na rito ay ang pagtaya sa lottery o lotto sa mas kilala ng lahat. Sino ba naman ang aayaw sa biglaang pagyaman, na ang tangi mo lang gagawin ay tumaya o bumili ng ticket sa maliit na halaga ngunit kung ikaw ay papalarin, ang kapalit naman ay talagang napakalaking pagbabago ang magagawa sa iyong buhay.
Subalit kung ikaw man ay papalarin at manalo sa lotto, may kaakibat ding panganib ito dahil maaring maging target ka ng mga masasamang loob.
O di kaya naman ay dadagsain ka ng mga kamag-anak mo, na di mo naman sigurado kung totoo mo ngang mga kamag anak ito at ni minsan ay di mo pa naman nakausap at ikaw ay abusuhin dahil sa perang napanalunan mo.
Magiging instant milyonaryo ka nga pero kung ang kapalit naman ay ang kalitasan ng buhay mo. Baka isipin pa ng iba ay nagdadamot ka na at nagbago na rin ang ugali mo. *
Screencap photo from Youtube/ABC13 Houston |
Ngunit kung talagang pangarap mong manalo sa lotto at maging instant milyonrayo may mga paraan naman para maging sekreto pa rin ang pagkakakilanlan mo at maging pribado pa rin ang buhay mo.
Ang kailangan mo lang gawin ay maging malikhain gaya na lamang sa ginawa ng isang lalaki ito mula sa bansang Jamaica na kung saan ay nanalo sya ng 158.4 Million Jamaican Dollars o P53,030,907 naman sa ating bansa.
Ayon sa balita, hindi nya muna agad kinuha ang napanalunang premyo para hindi makahalata ang mga kamag-anak nito. Umabot pa muna ito ng halos tatlong buwan o 54 days bago nya kunin ang napakalaking halaga.
At nang dumaitng na nga ang araw na kukunin na nya ang kanyang milyones, nakaisip ng isang gimmick ang lalaking ito na magsuot ng costume mula sa pelikulang "Scream" kung saan ay nagmascara ito upang maitago ang kanyang pagkakakilanlan. *
Screencap photo from Youtube/ABC13 Houston |
Nakiusap din ang lalaki na huwag ilantad ang tunay nyang pangalan at sa halip ay gumamit ito ng alias na "A. Campbell" bilang disguise ngunit di naman sinabi ang dahilan kung bakit ito ang napili nyang disguise.
Ito ang naisip na paraan ni A. Campbell upang makaiwas sa mga mapag samantalang mga kamag-anak nito at agad naman naging katanggap-tanggap sa mga administrator ng nasabing lottery.
Ibinahagi din ni A. Campbell na nakagawian na daw nito ang madalas na pagtaya sa lotto at ibinahagi nito ang kadalasang ginagawa nya sa kanyang lotto ticket, narito ang kanyang pahayag:
“Normally, I would write down the numbers from the draw, eat and then go and check my numbers” kwento ng lotto winner.
“I looked at my ticket and ran into my bathroom and said : I won! I won!” ani pa nito. *
Screencap photo from Youtube/ABC13 Houston |
At gaya ng marami sa ating nangangarap na manalo sa lotto balang araw, sigurado ako at may mga wishlist na rin kayong nakahanda ng mga una nyong bibilhin matapos manalo nito.
Samantala, ani A. Campbell, nais nyang bumili ng kanyang pinapangarap na bahay, magtayo ng negosyo upang kahit papaano ay hindi agad maubos ang perang napanalunan, at nais din nyang bumili ng apartment kaya naghahanap na rin ito.
“I want to get a nice house. I haven’t found it yet, but I’ll be looking for one soon. I like to handle money. I don’t beg, I don’t borrow” sabi pa ng Jamaican.
“So I’m looking things that can turn over the money. I have a little business, so I plan to make it bigger, buy an apartment. I love to have money” ani A. Campbell.*
Screencap photo from Youtube/ABC13 Houston |