Bumilib ang marami sa ipinamalas na katapatan ng isang driver sa Leyte matapos itong magsauli ng bag na naiwan ng isang dayuhan na naglalaman ng napakalaking halaga: 2 milyong piso.
Dahil bibihira na lang ang mga taong may mabubuting loob sa panahon ngayon, hindi nakapagtatakang ang ipinakitang halimbawa ng lalaking ito ay lubos na umani ng papuri.
Sa kabila ng kahirapan sa buhay, hindi nagpasilaw sa pera ang driver na kinilalang si Dennis Geverola mula sa Sogod, Leyte.
Ang magandang balitang ito ay ikinatuwa maging ng Mayor ng Sogod kung kaya naman ibinahagi nya sa publiko ang storya ni Geverola at binati ito sa pamamagitan ng isang Facebook post.
Ani Mayor Tan sa nasabing social media post, "On behalf of the Municipality of Sogod, I would like to commend the motorcab driver, Mr. Dennis Geverola for returning the bag that was left in his vehicle. The bag contained 2 million pesos in cash and other important documents. May god bless you!"
Tunay na kahanga-hanga ang katapatan ng naturang motor cab driver dahil hindi ito nagtangkang itakbo ang bag na naglalaman ng limpak-limpak na pera kahit pa man salat ito sa buhay.
Narito ang ilan sa komento ng mga netizen: