Debutant, namahagi ng food meals para sa mga jeepney drivers imbes na mag-party! - The Daily Sentry


Debutant, namahagi ng food meals para sa mga jeepney drivers imbes na mag-party!



 

Photos courtesy of Maye Gutierrez


Laganap ang krisis sa panahon  kung saan halos lahat ng tao sa buong ay nakakaranas ng kahirapan dahil sa dulot ng pandemya.


Ngunit hindi ito naging hadlang para sa isang dalagita na makagawa pa din ng mabuti sa kanyang kapwa na sa halip na magdiwang ng kanyang debut ay mas pinili na lang nyang gawing mas makabuluhan ang kanyang espesyal na kaarawan. *



Ayon sa ina ng debutante na si ginang Maye Gutierrez, nirequest daw ito ng kanyang anak na si Stephanie sa kanyang ika labing walong kaarawan na kung saan ay imbes na magpa party ay pinili ni Stephanie na gawing makabuluhan ang kaarawan.


Ilang buwan pa lamang ay may plano na sana silang mag anak na bigyan ng magarbong selebrasyon ang debut ng kanyang dalaga.


Ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay dumating ang pandemya at marami ang nakararanas ng kahirapan dahil dito.


"'Mañanita' of Stefi, our DEBUTANTE. This was how she wanted it to be—sharing her birthday blessings with the displaced jeepney operator," Ayon sa caption ng social media post ni ginang Maye Gutierrez.


Dagdag pa ng ina ng debutante, ang mga larawan na kanyang ibinahgi kung saan makikita ang mga jeepney drivers ay nakapila upang makakuha ng munting handog ng kanyang anak isang araw matapos ang espesyal na kaarawan nito noong September 5, sa Sampaloc Manila. *


Photo courtesy of Maye Gutierrez


Sa tulong ng kanyang papa, inihanda nilang mag ama ang mga pagkaing ipapamigay sa mga jeepney drivers na nawalan ng kabuhayan nitong nakaraang lockdown.


"I thought since we did have a restaurant I could use these resources to give to those people who needed more than me so 'yun I thought of the jeepney operators just to be able to give back talaga," pahayag ni Stephanie sa GMA News online


Pagkabungad pa lamang ng taong 2020, ay nagplano na kaming mag anak para sa debut party ni Stephanie subalit sa kasamaang palad ay may dumating na pandemya kaya hindi na namin ito itinuloy, ani ng mama ni Stephanie.


"Gusto naman talaga niya mas intimate kaya ang nangyari siya 'yung nakaisip na gusto niya mag-outreach tapos siya yung nag-isip ng food, 'yung ipa-pack, how many people," ani ng ginang. *

 

Photo courtesy of Maye Gutierrez


Nakapagluto si Stephanie sa tulong na din ng kanyang ama ng halos isang daan at dalawampu o 120 meals para ipamahagi sa mga jeepney drivers, at inilagay ito isa-isa ni Stephanie sa lalagyan.

 

"Gusto namin mas maging meaningful for her tapos magkaroon siya ng connection doon sa ginagawa niya na kapag binigay niya sa ibang tao, mas alam niyang siya ang gumawa nun," dagdag pa ni Maye.

 

At ang higit pa na espesyal sa preparasyong ito, ay mismong naipon na pera pa ni Stephanie ang ginamit pambili para sa mga food meals na ipapamahagi nito.


"Pinaluto niya 'yung mga barbeque, lumpiang shanghai, laing, bangus belly, 'yun 'yung mga napili niya and then 'yun 'yung pinack niya good for 120 plus people," Dagdag pa ng ginang.

 

Nakakataba naman daw ng puso at nakaka proud na makita nya ang kanyang anak na punong puno ng pag asa sa kabila ng mga krisis na pinagdadaan ng ating bayan sa kasalukuyan. *

 

Photo courtesy of Maye Gutierrez


"She saw what was more important and that's sharing her blessings," dagdag pa ng in ani Stephanie.

 

Kasama ni Stephanie ang kanyang ama sa pamamahagi sa mga nasabing drivers, at dama ni Stephanie ang kagalakan habang nakikita nyang masaya ang mga taong natulungan nya.


Samantala, kinantahan naman ng happy birthday song mga jeepney drivers si Stephanie bilang pasasalamat na rin sa kabutihang loob ng dalaga.


Naantig naman ang mga damdamin ng mga netizens dahil sa ginawang kabutihan ng dalaga, narito ang ilan sa kailang mga komento:


“Happy birthday! God bless you more. Nakakaantig ng damdamin ung ginawa mo, ipgpatuloy mo ung mabuti mong kalooban, sna marami kpang magawang kabutihang loib s nangangailangan.”



“Happy Birthday, Saludo ako sa whole family nio, napalaki kang maayos ng mga magulang mo, at sa iyo na rin dahil may mabuti kang puso. LOVE IT…“


“Wow sana lalo ka pang pagpalain sa ginawa mong kabutihan sa iyung kapwa. Dapat kang tularan ng mga kabataan. Happy happy birthday to you Stephanie, God bless you always at sa buong pamilya mo.” *

 

Photo courtesy of Maye Gutierrez