Gaano man kalaki, hinding-hindi matutumbasan ng anumang halaga ang kabutihan at katapatan ng isang tao. Pero sa panahon ngayon, iilan na lamang ang mga taong maprinsipyo at hindi nasisilaw sa pera.
Kabilang na rito ang isang ginang mula sa Ilocos Norte na pinatunayang may mga taong pa ring katulad nila na marangal at may malasakit sa kapwa.
Ito ay matapos hindi mag-atubili ng nasabing ale na isauli sa may-ari nito ang bag na naglalaman ng ₱2.7 million.
Kinilala ang babae na si Alice Baguitan na nagtitinda ng gulay sa Laoag, Ilocos Norte.
Pagdedetalye ng tindera, kumakain raw sya ng mga oras na 'yon sa isang fast food restaurant nang may babaeng tumabi sa kanya na may dala-dalang bag.
Maya-maya pa ay bigla umanong nagmadaling umalis ang hindi kilalang babae matapos itong magkaroon ng emergency, dahilan para mawala sa isip nito ang bag na itinabi sa bandang paanan ni Alice.
Nang isauli ni Alice sa bababe ang nakalimutan bag ay agad syang niyakap ng mahigpit ng may-ari nito.
Malugod nyang binibigyan ng pabuya ang naturang tindera ng gulay pero pilit nitong tinanggihan ang reward.
Pagbabahagi naman ni Alice, bagama't hindi nya inakalang ganoon kalaki ang laman ng bag, hindi raw ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsauli sya ng pera na nagkakahalaga ng malaki.
Naniniwala sya na Diyos ang magbabalik sa kanya ng biyaya dahil sa kanyang pagiging matapat.