Photos from Facebook @Angelito Respecia and sigridays |
Ibinahagi
ng isang ama mula sa General Santos City ang nakakatuwa ngunit medyo nakakainis
na kwento ng kanyang bibong anak na limang taong gulang pa lamang, matapos
nitong hiramin ang kanyang cellphone.
Subalit
maya maya ay may pumaradang food delivery rider mula Food Panda ang kumakatok
sa kanilang pinto at hinahanap sya nito. *
Ayon
sa ama ng bata na si Mr. Angelito Respecia, naisip nyang ibahagi sa kanyang
social media ang isang insidente na ginawa ng kanyang chikiting. At ngayon nga
ay hindi ito makapaniwala na nagviral ito sa mga social media sites.
May
caption ito na, “When he borrowed your phone and suddenly food panda came
knocking at your door” at sa ngayon ay mayroon na itong 23,000 reactions at
16,000 shares.
Kwento
pa ni Angelito, nagpaalam ang paslit na hihiramin muna sandal ang kanyang cellphone
na sa una ay akala nyang paglalaruan lamang ito.
Ngunit
hindi nya akalain na oorder na pala ito sa isang food delivery site mula sa
Zger’s Lutong Bahay-Heights.
Nang
ihatid na ng delivery rider ang mga pagkain ay wala ng nagawa pa si Angelito
kundi bayaran lahat ang iorder nito na nagkakahalaga ng P1,147.90. *
Photos from Facebook @Angelito Respecia |
Karamihan
sa mga inorder ng kanyang bata ay mga chicken meals, pancit at ilang drinks. Kaawa
awa naman ang delivery rider kung tatanggihan nya itong bayaran at upang hindi
na mapunta pa kung saang diskusyon.
Mabuti
na lamang at natsambahan ng paslit na gamitin ang discount voucher at kahit
papaano ay nabawasan pa ang bill nito.
Marami naman sa mga netizrns ang natuwa sa nagawa
ng paslit marahil dala ng curiosity at marahil natatakam din ito sa mg
nakikitang pagkain sa social media.
Samantalang
ang ibang netizens naman ang humanga sa pagka bibo ng bata ngunit ang iba naman
ay hindi ito ikinatuwa.
Maging
ang iba sa kanilang mga kaanak ay natuwa din sa ginawa ng bata. Narito ang
ilang sa kanilang mga komento:
"Yung ang dami ng inorder ng baby boy mo tapos dalawa kayong kakain... enjoy your food. " *
Photos from Facebook @Angelito Respecia |
“Buti
may discount sa voucher at least bkasave daw si daddy. Mautak si kid hahahaha
anyway, sana nkadisabled apps nyo if di naman ginagamit pra di mabuksan ng mga
anak nyo ung mga apps na hindi dapat para sa kanila.”
“Pero
ayos na yan kaysa sa mga bata na kinukuha phone ng parents nila para bumili ng
mga kung anong anong game cash.”
“This
is just as worse as a kid in Britain na nilimas ang bank account ng nanay sa
mga in-app purchases ng kinahuhumalingang mobile game. “
“Medyo
may inconsistent lang hehe, 1,574 ang total less voucher na 190 dapat 1,384 ang
babayaran, eh bakit naging 1,147 lang uhm, ang transaction online, naka
calculator yan at kung may mga iba pang discount nasa print receipt yan,
madalas din kaming magpa deliver ano. “ *
Photos from Facebook @Angelito Respecia |
“Sorry baby boy, next time wag basta
pindot ng pindot ha? Hayaan mo visit ka namin at para puede kang mamili kung
ano pa ang gusto mo kay Zger… ang cute cute mo talaga at napili mo c zger's
lutong bahay sa uulitin.. thank you din sa mabait na mommy at daddy mo..stay blessed and safe.”
Magmula kasi ng ideklara ang lockdown dahil
sa pandemya, naglipana na ang mga on line sellers at delivery service na talagang
naging patok na negosyo ng ating mga kababayan.
Dahil sa pansamantalang pagpapa tigil ang
pampublikong transportasyon, tanging ang pagpapa deliver na lamang ang naging
mabilis na paraan para maihatid ang anumang serbisyo.
Subalit, ang iba sa ating mga food delivery riders ay nagiging biktima ng ilang mga kababayan nating walang mabuting magawa
at nagagawa silang lokohin sa pamamagitan ng pag order ng madaming mga produkto
at kalaunan ay bigla itong ika cancel.
Sobrang nakaka awa ang mga delivery riders na
ito dahil ang kanilang mga ipinambibili ng mga order na pagkain ay sya mismong
pambili na sana ng kani-kanilang mga pamilya.
Kaya
naman karamihan sa ating mga delivery riders ay palaging nagpapa alala sa
kanilang mga customers na sana ay maging responsable sa paggamit ng mga
delivery apps. *
.