Mga larawan mula sa Facebook |
Ayon sa kwento ng mga nakasaksi sa pangyayari, naganap ang
pangyayari bandang 5:20 ng hapon ng naabutan ng tauhan ng barangay si kuyang
vendor ng siomai habang naka stand by ito malapit sa Banawe Orthopedic Hospital
sa Sto. Domingo. Quezon City. *
Larawan mula sa Facebook |
Mabuti na lamang at may
ilang mga saksi at nakunan ito ng larawan at inapload sa social media, upang
ipaalam sa madla ang maling gawain ng ilang mga tauhan ng nasabing barangay.
"Nakaka awa Lang si
tropa SIOMAI nag hahanap buhay Ang tao , hirap mag hanap buhay sa kalsada. 5:20
Lang ito ngayare dito sa BANAWE ORTHOPEDIC , COR. MARIA CLARA," ayon sa
uploader ng pictures.
"Alam naman niya ang
rules ng barangay STO. DOMINGO, pero si kuya na BPSO tinaob pa rin ang paninda
nya. Siya po yung nasa picture.” dagdag pa nito.
Labis na naka kaawa ang mga maliliit nating kababayan na gaya ng siomai vendor na ito, na kahit sa maliit na kita ay matiyagang kumakayod ng marangal upang may maipakain lang sa kanyang pamilya nag aantay. *
Larawan mula sa Facebook |
Nais ng uploader ng mga larawan ni kuyang vendor ng siomai upang
maiparating sa mga kinauukulan ang maling pagtrato ng mga tauhan ng BPSO at
upang mabigyan din ng leksyon ang nasabing tanod.
Makikita na sakay ng sidecar ang panindang siomai ng vendor
na ito at madali naman itong mapapaalis kung sana man lang ay dinaan muna sa
magandang pag-uusap ng nasabing tanod ang pagpapaalis sa vendor.
Marami na rin ang mga ganitong insidente kung saan ay walang
awang sinisira, o di kaya naman ay kinukumpiska ang mga paninda ng mga maliliit
na vendor na ito at makikita natin kung gaano sila magmakaawa sa mga abusadong
opisyales na kumukuha at sumisira sa kanilang mga munting pinagkakakitaan.
Higit na mas mahirap sa panahon ngayon ang kumite ng pera
lalo pa at nakakaranas tayo ng krisis dahil sa pandemyang nagpapahirap sa atin na
makapaghanap buhay ng maayos. *
Larawan mula sa Facebook |
Marami sa mga kumapnya at mga maliliit na Negosyo ang
nagsasara at marami din ang nawalan ng hanap buhay dahil dito.
Kaya naman kanya kanya ng diskarte ang bawat isa sa atin
para lang makatawid sa pangangailan ng ating mga mahal sa buhay.
Maging ang ayuda ng pamahalaan ay hindi na sapat upang masustentuhan
pa ang pangangailangan ng taumbayan mula ng magdeklara ng lockdown.
Sana naman ay matigil na ang ganitong Gawain ng mga
awtoridad hinggil sa pagsaway at pagdidisiplina sa mga maliliit na vendor na
nakikita nila sa mga lansangan.
Labis na ikinagalit ng mga netizens ang ginawang ito ng tauhan
ng Baraangay Safety and Public Office, nagbigay sila ng ilang mga komento hinggil
sa pangyayari:
“Kawawa naman . Ang hirap maghanap buhay ngayon..konting
pagkikitaan ganon pamg ginawz nla.antay kalang c lord ang magpaparusa sayo.hala
ka lalayo sayo ang grasya kong cno Kaman.” *
Larawan mula sa Facebook |
“Maawa naman kyo pripariho tyo gustong mabuhay naghahanapbuhay
ng marangal ang tao sana pinaalusnyo nlang hndi itaob ang paninda .kawawa
namanang pamilya na sya lng ang inaasahan”
“May mga taga barangay talaga n mga abusado..dapat sa knila
sampulan..dapat pati magbubuko ganyanin nila para may mataga na kawani ng
barangay…”
“dpat pinakiusapan niyo
ung tao ndi Ung ganyan nyo mga wlang hiya naghanap buhay ng marangal tapos yan
pa iga2nti nyo kng lumabg man kausapin ng maayos dba..or bgyan ng 1st chance
ung magna2kaw nga malayang nagnakaw”
“Grabe nman yan pwede nman pakiusapan kawawa nman hirap na
nga ng buhay buti nga gumagawa ng paraan para mabuhay wag nman po sna ganun”
Mga larawan mula sa Facebook |
“Mabuti nga yun tao nghahanap buhay ng maayos para mbuhay ng
maayos. pero pag may mga ganitong mga tao ng pamahalaan n imbis maawa at maging
makatao ay parang masaya pa sa kalooban nila n makapangwalanghiya ng kapwa at
parangngyayabangckomo nsa posisyon. sna naman po mging maayos nman kyo at alam
nman ninyo kung ano ang kalagayan ntin ngayon. “ *