Sa dami ng mga nangangailangan ng tulong ngayon nang dahil sa krisis, hindi lahat ay naaabutan ng ayuda.
Bukod sa kakulangan ng pondo, isa sa mga dahilan kung bakit marami ang hindi natutulungan ay dahil sa kwalipikasyon ng pamahalaan na tinukoy nitong bigyan ng ayuda kung saan hindi pasok ang ilan.
Gaya na lamang ng apat na lalaki na ito na nag-viral sa social media.
Sa Facebook post ni Susan Isorena-Arcega, makikita ang larawan ng apat habang may hawak na dalawang tray ng mga paninda.
Kwento ng uploader sa caption, araw-araw dumaraan ang mga lalaking ito sa kanilang bahay para magbenta ng turon at lumpiang togue.
"Everyday these four guys pass by mid morning and midafternoon selling turon and lumpiang togue for 10 pesos each." ayon kay Susan.
Aniya pa, napag-alaman nyang construction workers ang mga ito na stranded matapos abutan ng lockdown.
"I found out they're construction workers from region 6 who got stranded here during the lockdown." saad ng babaeng nag-upload.
Nang kausapin raw nya ang mga ito, sabi ng isa "Dumidiskarte lang, Nay,"
"Kasi po hindi kami entitled sa anumang ayuda. Hindi po kami puedeng umasa sa wala." dagdag pa ng isa sa mga lalaki.
Kahanga-hanga ang fighting spirit ng mga lalaking ito na umantig sa puso ng netizens dahil nakuha pa nilang maging positibo sa kabila ng suliranin sa buhay bunsod ng krisis.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens: