Ibinunyag ni Sarah Balabagan ang diumano'y tunay na tatay ng kanyang panganay na anak. “Ang ama po ng panganay ko ay yes, si Arnold Clavio po!” aniya sa isang Facebook live video.
Matapos ang mahigit dalawampung taon ay nailabas na sa wakas ni Sarah ang katotohanan matapos lumabas ang haka-haka tungkol sa ama ng kanyang anak. Sa kasalukuyan, mayroong 5-year-old at 1-year-old na anak si Sarah sa kanyang asawang si Jun Sereno. “Kaya ko to ginagawa dahil after 22 years, lumabas na naman.
Sabi nga nila, walang bahong hindi lalabas. Hindi naman po ako nalungkot dahil by God’s grace, masaya na ako sa buhay ko,” dagdag pa niya. Aniya hindi naman siya habangbuhay ay nariyan upang ituwid ang mga lumalabas na haka-haka kaya minabuti niyang ilabas na ang katotohanan.
“Paano ‘pag wala na ako sa mundo? Tapos hindi ko ito kinorek? Baka mamaya maging multo pa ito sa anak ko,” dagdag pa ni Balabagan. Ang paglilinaw na ito ni Balabagan ay upang pasinungalingan ang balitang si late ambassador Roy Seneres ang ama ng kanyang anak. “Si late Ambassador Roy Señeres po ang tumulong sa akin nu’ng ako ay nabuntis. Tinulungan niya ako para hindi kumalat sa public. Para hindi masira ang image ko noon at ‘yung image nu’ng taong ‘yun. “Kinupkop ako at itinago ni ambassador pero ang nakakalungkot, e, sinasabi nilang siya raw ang ama,” paglilinaw niya.
Ibinahagi din nito kung paano sila nagkakilala ni Clavio. “Nagkakilala kami ni Arnold nu’ng panahong ako ay nakapiit pa at dinalaw nila ako doon. Naging close kami noon ni ‘Kuya Arnold’…at nu’ng unuwi ako sa Pilipinas noon August 1, 1996, isa po siya sa mga nag-cover ng kaso ko. Naging exclusive la nga niya ang story.” Ayon pa kay Sarah, nahulog ang loob niya dito dahil napapatawa siya nito noon sa kabila ng pinagdaanan niyang hirap.
Mismong si Arnold Clavio umano ang nagsabi sa kanya na wag umamin kaya hindi siya nagsalita tungkol dito. Si Sarah Balabagan ay naging kontrobersiyal noong mid-90s nang nakulong siya sa UAE for murder. Gayunpaman, nakauwi siya sa bansa at ginawang pelikula ang storya ng kanyang buhay noong 1997.