Dahil sa krisis na kinakaharap ng ating bansa, marami ang nawalan ng trabaho at kabuhayan. Marami ang mas lalong naghihirap sa buhay at nawawalan ng pag-asa.
Photo credit: Karlo Ternora
Gayunpaman, marami pa rin ang nagsusumikap at hindi sumusuko na harapin ang mga hamon sa buhay. Katulad na lamang ng isang guro mula sa private school na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
Sa Facebook post ng netizen na si Karlo Ternora, ibinahagi nito ang larawan ng isang private school teacher na napilitang magtinda ng tinapay at iba pang pagkain matapos mawalan ng trabaho.
Ayon kay Ternora, nagpapakarga siya ng gasolina sa Holy Spirit Drive, Quezon City nang lumapit ang ginang at alukin siya ng kanyang mga dalang paninda.
"Biglang lumapit sa'kin si Ma'am. She even called me "anak" baka gusto mo bumili ng paninda ko. As I heard the word anak, naalala ko bigla mga guro ko, mga pangalawang nanay natin sa eskwelahan," ani Ternora.
Ikuwento umano ng ginang na natanggal siya sa kanyang pinapasukang paaralan dahil sa pandemya.
"Biglang abot ng sukli si Kuya gasoline boy. 'Di man lang umabot ng hundreds pera ko na naiabot. She even insisted to get some of her goodies niya. Kaso I resist dahil galing akong kainan," dagdag ni Ternora.
Photo credit: Karlo Ternora
Sa ngayon ay umabot na sa 6.9k reactions at 3.5k shares ang post ni Ternora.
Narito ang buong post ni Ternora:
“Ang sakit sa puso makita mga gantong guro na nawalan ng trabaho. At nag bebenta sa labas para makaraos. Going home from my friend's house I decided to refill muna, while waiting for my change. Biglang lumapit sakin si Ma'am she even called me "Anak" baka gusto mo bumili ng paninda ko. As I heard the word anak naalala ko bigla mga Guro ko mga pangalawang nanay natin sa Eskwelahan. I asked what happened po sainyo? Sabi nya "wala na ako trabaho kasi dahil sa Pand*mic as what it says sa hawak nya. Sobrang lungkot. Biglang abot ng sukli si kuya gasoline boy, di manlang umabot ng hundreds pera ko na naiabot.. she even insisted to get some of her goodies nya. Kaso I resist dahil galing akong kainan. If only I have extra time gusto ko sya i-treat sa katabing jollibee kaso kelangan nadin maka uwi. From happy moments bigla ako natulala while driving I have what ifs sa utak ko.. ang tanda na nya pano kung may Cov*d ma bentahan nya o umulan o di naubos tinda nya pano na sya? I asked her permission kuhanan ko sya, sana matulungan natin mga naging pangalawang magulang natin sila din tumulong satin matupad pangarap natin. Salute to all the teachers.”
***
Source: Karlo Ternora | Facebook