Pinay pinuri dahil sa pagsasakripisyo ng sarili para iligtas ang mga inaalagaang anak ng kanyang amo matapos ang pagsabog sa Beirut - The Daily Sentry


Pinay pinuri dahil sa pagsasakripisyo ng sarili para iligtas ang mga inaalagaang anak ng kanyang amo matapos ang pagsabog sa Beirut




Photos courtesy of DZBB and CNN Philippines


Labis na ikinalungkot ng lahat ang insidente ng pagsabog kahapon sa Beirut, Lebanon, Kung saan ay 137 katao ang nasawi at halos 5,000 naman ang sugatan sa napakalaking pagsabog nitong Martes, ayon sa talaan ng Lebanon health minister.


Hanggang sa huling balita, halos daan-daan pa din ang pinaniniwalaang nawawala at maari pang dumgdag sa bilang ng mga nasawi dagdag pa ng health minister ng Lebanon. *


Sa ngayon ay nasa mahigit 30,000 katao ang inilikas mula sa kanilang tahanan para masiguro ang kaligtasan ng mga ito.  Idineklara ng "disaster city" ang siyudad ng Beirut at nag-anunsyo na ng dalawang-linggong state of emergency ang pamahalaan ng Lebanon.



Sa gitna ng kaguluhan, sari-saring kwento ng kabayanihan ang naglabasan kabilang na dito ang ating kababayang OFW  na si Filipina Sulit Salvador, na umani ng papuri mula sa netizens ng buong tapang nyang sinakripisyo ang sarili upang mailigtas ang dalawang inaalagaang bata.


Sa ulat ng GMA News, ikwinento ni Salvador ang mga pangyayari na kanyang nasaksihan kasama ang kanyang mga alaga.


Kasalukuyang nagpapakain sya ng kanyang mga alaga nang maganap ang pagsabog. Agad nyang iniharang ang kanyang katawan upang maprotektahan ang mga alaga mula sa mga tumalsik na salamin ng kanilang bintana.*


Photo courtesy of CNN 


Hindi  alintana ni Filipina na nakikigo na sya sa sariling dugo mula sa mga sugat na natamo mula sa mga debris ng salamin.


Hindi na nya naramandaman ang sakit at hapdi mula sa mga sugat bagkus kanya na lamang inalala ang kaligtasan ng mga batang inaalagaan.


“Tatayo sana ako at sisilipin kasi may narinig akong biglang pagsabog. Bigla na lamang nagtalsikan ‘yung mga bubog, ‘yung main door namin na salamin pabagsak sa amin ng alaga ko kaya sinalo ko,” ani Salvador.



“Shock na shock talaga ako. Hindi ko alam. Hindi ako nakaramdam ng sakit o ano pa man no’ng oras na ‘yun pero ‘yung katawan ko ay duguan na ako,” dagdag pa nito.


Ayon sa Philippine Embassy sa Beirut, mayroong walong OFW domestic helper ang nagtatrabaho sa Beirut, ang naitalang sugatan sa nasabing pagsabog. *


Photo courtesy of KAMI


Isa si Filipina sa mga Pinay na nagta-trabaho ng mangyari ang pagsabog, habang dalawa naman ang naitalang nasawi.


Nagbahagi din ng kanyang karanasan sa pagsabog ang Pinay OFW na si Nary Antonette Olita, aniya, wari'y pakiramdam nya na katapusan na ng mundo ang naganap na pagsabog.


“Sa sobrang takot tumakbo na kami kasi hindi ko alam na akala namin katapusan na namin ‘yun. Nakakatakot po talaga. Hindi na po talaga safe,” salaysay ni Olita.


Saktong kinukuhaan ni Olita ng video ang malaking usok na nanggagaling malapit sa port warehouse nang bigla na lamang biglang sumabog ng sobrang lakas na halos yumanig sa buong syudad na animo'y isang lindol. 


“Bago ‘yung explosion, nakunan ko po siya ng video hanggang sa pumutok na po siya. Hindi ko na po nakunan ng buo,” kanyang isinalaysay sa GMA reporter. *


Photo courtesy of KAMI



Kasalukuyang kasama ni Olita ang kanyang amo at tatlong mga anak nito ng maganap ang pagsabog.



Kaagad silang tumakbo papunta sa elevator kasama ang kanyang mga amo upang makahanap ng mas ligtas na lugar.


“Noong nag-explode po, nagsitakbuhan kami papuntang elevator para maligtas ‘yung mga bata para hindi po masugatan," ani Olita.


Matapos ang pagsabog, napag-alaman ni Olita mula sa ibang kapwa OFW na mayroon ngang isang Filipino ang nasawi.


“Hindi naman po karamihan sa mga Pilipino nasugatan pero meron pong isang nasawi sa explosion pero hindi ko po siya kilala,” sabi ni Olita.


Hindi naniniwala si Olita, na hindi lang mula sa simplrng pagsabog na gaya ng sa fireworks ang nangyaring insidente.


“Ang usap-usapan po kasi ngayon, fireworks lang po daw ang nangyari sa explosion pero parang hindi naman po firework kasi marami pong namatay,” dagdag pa nito. *



Photos courtesy of The Filipino Times


“Opo (gusto ko nang umuwi) kahit hindi pa po nangyari ito may balak na po talaga akong umuwi sa sobrang krisis na po rito tsaka nadagdagan pa po itong COVID na ‘to, ‘yung pandemic,” sabi ni Olita.


Sa kasalukuyan, nasa 33,000 Filipino ang naninirahan at naghahanap-buhay sa Lebanon base sa record ng Department of Foreign Affairs (DFA).