Paslit na parking boy, inilibre ng turon ang babaeng inabutan ng gutom sa loob ng sasakyan - The Daily Sentry


Paslit na parking boy, inilibre ng turon ang babaeng inabutan ng gutom sa loob ng sasakyan



Minsan, kung sino pa ang walang wala sa buhay sila pa ang nagbibigay at hindi madamot sa kapwa. Sila ang mas nakakaintindi sa sitwasyon na kinakaharap ng isang tao.
Joshua / Photo credit: Joy Anne Vicente

Katulad na lamang ng isang bata na ipinamalas ang kanyang busilak na puso at ngayon ay nag-viral na ang kanyang kwento sa social media.

Sa Facebook post ng netizen na si Joy Anne Vicente, ibinahagi nito ang kabaitan ng batang si Joshua habang naghihintay siya sa isang parking lot.

Aniya, sinamahan niya ang kanyang ina na mag-ayos ng mga dokumento sa OWWA. May kasama rin silang representative ng OWWA kaya nagpaiwan na lamang si Joy sa kanilang sasakyan.
Photo credit: Joy Anne Vicente

Unang pasok ko sa parking, sa likod lang ako ng isang sasakyan nagpark. So nung aalis na yung nasa harapan ko, kinailangan kong lumabas na mauna to give way and this kid guided me,” kwento ni Joy.

Umaga pa dumating sina Joy sa OWWA at lagpas lunch time na at hindi parin siya nakakakain. 

Maya-maya ay kumatok si Joshua sa sasakyan at tinanong si Joy kung okay lang siya at kung kumain na daw ba ito. Ani Joy, wala siyang dalang wallet kaya hihintayin na lamang niya ang kanyang ina na matapos sa inaasikaso nito.

“Him: Edi gutom ka na niyan? Ano bang gusto mong kainin may canteen naman dito bilhan kita.”

“Me: Wag na. Okay lang ako. Hintayin ko nalang sila baka patapos na yun.”

Sinubukan rin daw manghingi ng 20 pesos ni Joshua kay Joy ngunit wala siyang maibigay dahil wala ang kanyang wallet kaya umalis na ang bata.

Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik nanaman si Joshua at may dala ng turon. Aniya, pambili sana ng ulam ang 20 pesos na hinihingi niya kanina. 

Dito na nagulat si Joy at humanga sa kabutihang loob ng bata. Pinambili pala nito ng turon yung 10 pesos na ibinigay niya noong unang inassist siya ni Joshua sa pagpapark.
Joshua / Photo credit: Joy Anne Vicente

“I’m so touched. May mga tao pa rin talagang ganito. Minsan kung sino pa yung walang wala, sila pa yung nagbibigay."

"This made me realize even more na I'm really blessed and should be thankful kasi nasa maayos akong kalagayan. And for that, I should also have the capacity na makatulong in my own little ways. Kung sya, kaya niya. So why can't I? Why can't we?

Umani ng maraming papuri ang post na ito ni Joy at marami ang na-touch sa kabaitang ipinamalas ni Joshua.

Narito ang buong post ni Joy:

“As I post this, I'm still in the parking lot of R3 OWWA in Pampanga. We're here para mag-ayos ng docs. So nasa parking lang ako naghihintay (driver) tapos si Mama and yung OWWA representative na tumutulong samin from our Municipality yung pumasok sa loob ng building. We're here around 11am and it's 1:00pm and past lunch already.

Unang pasok ko sa parking, sa likod lang ako ng isang sasakyan nagpark. So nung aalis na yung nasa harapan ko, kinailangan kong lumabas na mauna to give way and this kid guided me. Inabutan ko lang sya ng barya and nagthank you ako. Mga 12:20, pumunta sya sa tabi ng sasakyan asking if I'm okay kasi lunch time na.

Him: Ate, kanina ka pa jan ah. Matagal ka pa ba? (I thought may pagpapark-in sya kaya sya nagtatanong)

Me: Hindi ko nga alam e. Di pa kasi tapos sila Mama sa loob. Kumain ka na? Ba't nasa labas ka? Bawal ang bata diba?

Him: Opo Ate. Nakisubo ako sa mga guard, katatapos lang. Dito lang talaga ako sa parking. Ikaw di ka pa ba kakain?

Me: Hintayin ko na sila Mama. Wala pala kasi akong dalang wallet.

Him: Edi gutom ka na niyan? Ano bang gusto mong kainin may canteen naman dito bilhan kita.

Me: Wag na. Okay lang ako. Hintayin ko nalang sila baka patapos na yun.

Him: May bente ka ba jan? (Akala ko nanghihingi)

Me: Puro coins lang to e, wala akong wallet talaga. Sorry.

Him: Ehhh? Magugutom ka niyan sana dumating na kasama mo.

Tumango nalang ako. Then umalis na rin sya.

12:30 nasa gilid nanaman sya at kumakatok.

Him: Ate oh. Turon. Binilhan kita. Di ka kasi nagbigay ng bente e. Para sana kanin nalang bibilhin ko, 20 lang naman ulam pwede na.

Pinipilit ko na sya nalang yung kumain ng turon kasi nakisubo lang sya sa mga guard na nag-aalaga sa kanya. Pero yung 10 pesos na inabot ko earlier pinangbili nya pa ng turon kasi gutom na daw ako.

I'm so touched. May mga tao pa rin talagang ganito. Minsan kung sino pa yung walang wala, sila pa yung nagbibigay  This made me realize even more na I'm really blessed and should be thankful kasi nasa maayos akong kalagayan. And for that, I should also have the capacity na makatulong in my own little ways. Kung sya, kaya niya. So why can't I? Why can't we?

Ps. Nakamask po ako. Sya din po nakamask pero dahil di ko binababa ng buo yung window, tinanggal niya dahil di kami magkaintindihan.

Update: Nakakain na po kami. Nakahingi na po akong pera pambili ng pagkain at kaunting pang-abot sa kanya . Pamangkin po pala sya ng isang guard at ang pangalan niya po ay Joshua. ðŸ’–



***