Ngiti ng sanggol, nagbigay kasiyahan sa marami sa gitna ng krisis - The Daily Sentry


Ngiti ng sanggol, nagbigay kasiyahan sa marami sa gitna ng krisis




Nagdulot ng tuwa ang ngiti ng isang sanggol na ito hindi lang sa kanyang mga magulang at sa mga tao sa ospital kung saan sya ipinanganak, kundi pati sa social media.


Isinilang si Baby Jin Riley Mallapre sa Cebu Doctors' University Hospital noong April 20, 23 araw matapos isailalim sa lockdown ang Cebu dahil sa C0VID-19.


Sinalubong ng matamis na ngiti ng cute na sanggol ang mga tao sa ospital na nakunan sa larawan mula kay Dr. Silver, isa sa mga doktor ni Jasmine Mallapre, ang nanay ng munting anghel.


Ang nag-upload ng naturang larawan ay si Dr. Potenciano "Yong" Larrazabal III, president and chairman of the board ng Cebu Doctors’ Group of Hospitals.


Saad ng doktor sa caption,


When I saw this cute little smile and radiant eyes today - all I see is HOPE.


Baby Boy Mallapre was born today under the Privileged Mother Service (PMS) Program of CebuDoc. This is such a wonderful reminder why we do what we are doing because we are not just fighting the pandemic for what's left for us today rather for what's ahead of this baby.


With the permission of the mother to post this face of hope, I enjoin all my colleagues, all our medical and nonmedical staff to look at this beautiful baby and may he remind you that what we are doing today will all be worth it.


Sa panayam ng PEP sa nanay ng sanggol at sa lola nitong si Tesie, ibinahagi nila ang nangyari.


Pagke-kwento ni Jasmine, "Iyon po ang sabi ni Dr. Silver sa akin—na hinaplos po nila likod ni baby para umiyak.


"Instead po, ngumiti siya."


Dagdag naman ng lola nya, "The doctor got so amazed with him when he gave the doctor that sweet and angelic smile instead of crying."


Ika ng papa nyang si Reymann, "I do hope that through this once-in-a-lifetime photo of my son, we could give hope to people all around the world who are severely affected by COVID-19."