Modernong bahay na yari mula sa mga lumang cargo containers, agaw pansin ang disenyo sa loob nito - The Daily Sentry


Modernong bahay na yari mula sa mga lumang cargo containers, agaw pansin ang disenyo sa loob nito



 

Photos courtesy of Facebook @Home Junkie


Sa panahon ngayon, importante ang magkaroon ng sariling bahay, gaano man ito kalaki o kaliit, basta masasabi nating sariling atin at matatawag nating kanlungan sa oras na kailangan natin ng pahingahan at katahimikan, ika nga ng kasabihan, “there is no place like home” at ang mga katagang madalas nating sbihin “home sweet home”.


Marami sa atin ang kumakayod para may maipundar ang pangarap na bahay, na para sa oras na magkaroon na tayo ng sariling pamilya o kaya naman sa panahon na kailangan na natin magretire mula sa ating trabaho ay mayroon na tayong lugar na mapag-papahingahan.



Dahil sa hirap ng buhay ngayon, marami sa atin ang nakaisip ng praktikal at alternatibong paraan upang makapagpatayo ng sariling bahay gamit lamang ang mga segunda manong materyales mula sa mga ginibang bahay.


Nauuso din ngayon ang tinatawag nilang tiny house movement kung saan, ang iba ay mas pinili pang manirahan sa isang maliit na tahanan, ngunit kumpleto sa pasilidad at madali itong hatakin sa oras na kailanganing lumipat ng lugar.


Ang iba naman ay mga lumang cargo container na mula sa mga cargo shipping ang ginagawang bahay. Sa halagang abot kaya, at talaga naming matibay ang mga ito, ay madali pang idesenyo. *

Photos courtesy of Facebook @Home Junkie


Isang halimbawa na dito ang bahay na ito mula sa Houston, Texas, USA, na agaw pansin sa mga netizens. Mayroon itong apat na palapag, at gawa mula sa pinagpatung patong na cargo containers.



Sa panlabas na itsura nito ay mukha lamang luma at ordinaryong cargo containers, na may iba’t-ibang kulay at ang iba pa nga ay may kalawang pa. Ngunit talaga namang mamamangha ka sa panloob na disenyo nito.


Hindi na pinalitan ng may-ari ang orihinal na kulay ng mga cargo containers marahil nais ng may ari na mapanatili ang ideya na yari ito sa mga pinaglumaang cargo containers.


Sa loob ng nasabing cargo containers ay ang modernong panloob na disenyo at may mga modernong kagamitan.


May mga kakaibang mga furnitures, ilaw, koleksyon ng mga paintings at photo frames, at iba pang mga kagamitan na punong puno ng art na nagpapakita ng pagka malikhain ng may ari. *

Photos courtesy of Facebook @Home Junkie


Sinasabing mas makakatipid ang sinuman na gagamit ng ganitong klase ng bahay, dahil bukod sa madali itong itayo at ayusin, madali din itong ilipat, at environment friendly pa, dahil sa gumagamit tayo ng recyclable materials.



Maging sa dito sa Pilipinas ay nauuso na rin ang pag gamit ng mga lumang cargo containers bilang alterniatibong paraan sa pagpapatayo ng bahay. Ang iba pa nga ay ginamit din bilang opisina, tindahan at dormitory.


Gaya na lang ng tinayong all male dormitory na makikita sa Mandaluyong City. Sa halaganag isang libong piso o P1,000 lang ay pwede ka ng umupa sa bed space na may electric fan o kung medyo malaki naman ang budget ay maarin ding kumuha ng may air con sa halagang P2,200.


Kumpleto sa amenities ang nasabing Dormitory, mayroon itong communal comfort rooms, free wifi, at ligtas naman ito dahil sa 24 hours na security guards on duty. *


Photos courtesy of Facebook @Home Junkie


Gayon din ang bahay bakasyunan sa Siargao, kung saan makikita ang mga cabin na sa unang tingin ay gawa ito sa pawid ngunit sa malapitan ay isa palang cargo containers ang mga ito.


 

Sari-saring reaksyon naman mula sa netizens dahil sa kakaibang uri ng bahay na ito. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:


"Luv it, I saw one they did in Alaska and they added spray insulation and had some diagonal and made it all one color it’s was soo beautiful, looked soo modern."


"Doesn’t matter what it looks on the outside, what does matter is what’s on the inside and the comfort."


"I’ve seen these executed so much better. This literally looks like a junkyard pile of containers. But if that’s your cup of tea... Also, the lack of windows makes the inside way too dark for me. Light is so important." *

Photos courtesy of Facebook @Home Junkie

 

"The Neighbors must be delighted every day to see that next to them...loss of value for them due to an eyesore! It's a good idea to recycle containers but style and design should be imposed outside to respect the overall surroundings."



"The inside looks exactly as I imagined it - confined and boxy. Feel sorry for the neighbors living next to an undisguised storage depot. One of our neighbours built his house from one container and clad the outside in vertical board - looks great."