Magsisimula na ang klase sa Agosto 24 ayon sa Department of Education (DepEd). Magiging online muna ang pagtuturo ng mga guro sa kanilang studyante kaya naman kailangan ng laptop o cellphone ng mga mag-aaral.
Photo credit: GP Jasmin
Samantala, hindi napigilan ng netizen na si GP Jasmin ang maglabas ng sama ng loob sa social media matapos nakawin ang mga donasyon niyang cellphone para sa ilang batang mag-aaral sa Mindanao.
Ayon sa post ni GP, may katagalan raw bago ma-deliver ang mga gadget sa destinasyon nito. Umabot na raw ng mahigit sa isang buwan ay hindi parin nakakarating ang mga ipinadala niya.
Kaya naman nagpasya si GP na ipabalik na lamang sa kanya ang kanyang mga ipinadala. Ngunit laking gulat niya nang makitang puro bato na ang laman ng mga kahon ng cellphone.
Pinangalanan ni GP ang dalawang shipping/delivery company na sinasabi niyang responsable sa pangyayaring ito.
Photo credit: GP Jasmin
Photo credit: GP Jasmin
Narito ang kanyang buong post:
“Kaya tayo walang pagasa Pilipinas, tayo lang nanloloko sa kapwa natin. Yung gagamitin na pang Online Class dapat, wala na. Binabawi lang natin yung karapatan ng batang gustong mag aral sa gitna ng pandemya.
Please help me share this post and stop Ninja Van Philippines and Grab from doing this crime.
This is my package bound for Mindanao para sa mga bata mag oonline class. It took more than 1 month to be delivered so I triggered the return to sender. Pagkabalik, eto na ang laman."
Photo credit: GP Jasmin
Photo credit: GP Jasmin
Photo credit: GP Jasmin
***
Source: GP Jasmin | Facebook