Matandang pulubi, nakaipon ng mahigit $1 million sa kanyang bank account bago pumanaw - The Daily Sentry


Matandang pulubi, nakaipon ng mahigit $1 million sa kanyang bank account bago pumanaw



Likas na sa ating isipan na ang mga namamalimos sa kalye ay mga pulubi na walang tahanan at walang perang maipambili ng pagkain at mga pangangailangan.
Fatima Othman / Photo credit: Artikulo Uno

Dahil sa kahirapan at kakulangan sa edukasyon, mas pinipili na lamang ng mga ito ang manghingi ng pera o pagkain sa mga taong nakakasalubong nila sa kalye.

May mga klase ng namamalimos na namimilit manghingi ng barya at kung minsan ay nagagalit pa ang mga ito kapag hindi nabigyan.

Mayroon din namang naghihintay lang na bigyan katulad na lamang ng matandang si Fatima Othman mula sa Beirut, Lebanon.
Fatima Othman / Photo credit: Artikulo Uno

Kilala si Fatima sa Barbir district, ang siyudad na kung tawagin ay lugar ng mga “poor and homeless” dahil sa viral na larawan nitong kumalat kung saan makikita siyang nakaupo at pinapainom ng tubig ng isang sundalong naka-duty malapit sa ospital doon.
Fatima Othman / Photo credit: Artikulo Uno

Fatima Othman / Photo credit: Artikulo Uno

Hindi tinukoy kung ano ang sakit ni Fatima ngunit hirap itong igalaw ang kanyang mga paa at kamay. 

Maging ang sundalong tumulong kay Fatima ay umani rin ng papuri sa mga netizens at lalong lalo na sa kanyang army commander.

Walang nag-aakala na makakaipon si Fatima ng malaking halaga ng pera kaya laking gulat ng internal security forces ng makita nila ang bank account ng matanda.

Natagpuan ang walang buhay na katawan ni Fatima sa Barbir district kung saan maraming abandonadong sasakyan.
Photo credit: Artikulo Uno

Ayon sa pahayag ni Brig. Gen Joseph Musallen, director ng internal security forces public relations division na inilabas ng Arab News, heart attack umano ang dahilan ng pagpanaw ni Fatima.

Nakita rin ng otoridad ang labi ni Fatima na may hawak itong 5 million lebanese pounds ((166,600 pesos). Ang mas lalong ikinagulat nila ay nang makita nila ang isang deposit book sa bangko na nagkakahalaga ng mahigit $1 million.
 Photo credit: Artikulo Uno

Finding the money and the savings was a big surprise,” sabi ni Gen. Musallen. 

Ayon sa security forces, si Fatima ay mula sa bayan ng Ain Al-Zabar sa Akkar sa hilagang lugar ng Lebanon. Hinanap din nila ang pamilya ng matanda upang maibigay ang kanyang mga labi.

Nakakalungkot lamang na hindi man lang napakinabangan ni Fatima ang perang naipon nito.


***
Source: Artikulo Uno