Photo courtesy of PhilStar |
Maraming humanga sa pinakitang kagandahang
loob ng isang unipormadong pulis na habang nakaduty ay namataan nito ang isang
lalaking may kakulangan sa paningin o ang tinatawag na Persons with
Disabilities (PWD).
Mabilis nagviral sa social media ang
larawang ito ng pulis na akay-akay ang matandang lalaking PWD habang naglalakad
sa kalsada.*
Naantig ang puso ng netizens lalo na ngayong
panahon kung saan maraming problemang kinakaharap ang ating bansa dahil na din
sa pandemyang corona virus.
Napapanahon naman na magtime out muna
tayo sa mga stress na dulot ng balita sa ating kapaligiran mapa-politika man
yan o usaping panlipunan.
Ayon sa Facebook post ng Philippine
Star, makikita na tinulungan ng pulis ang lalaking may kapansanan sa paningin upang
makapaglakad ito nang ligtas patungo sa Baguio City Market.
Maraming mga netizens naman ang
humanga sa kabaitan ng pulis at isa itong magandang halimbawa na hindi lahat ng
pulis ay mga pasaway.
Bumuhos ang papuri at pagbati sa
nasabing pulis, sari-saring mga komento ang kanilang ibinahagi sa Facebook page
ng Philippine Star narito ang ilan:
“Baguio police
are usually very courteous and are genuinely of service to the people.”
*
Photo courtesy of PhilStar |
“Yan ang tunay na sundalo
gingampanan ang totoong serbisyo sa bayan..saludo po kami sa inyo”
“Snappy salute to you sir! Mate, pinapatunayan
lang po natin na sa kabila ng iba't ibang problema na dumarating sa ating bayan
at maging sa loob ng organisasyon at maging sa ating pamilya busilak pa rin po
ang ating puso na gawin ang ating tungkulin.”
“Ang sarap
mamakita ng ganyan klaseng Pulis” “God bless your kind heart... Big salute”
“Sana lahat ng mga pulis natin katulad nila but sadly many do not have clean
hearts we need more men like him.. God bless you sir”
“Basta maayos kc ang mayor maayos din mga iyan
ika nga follow a good leader that others follow” “Salute to all men in uniform
na katulad niya... ramdam sa puso ang ginawa niya... God bless you more sir”*
Photo courtesy of PhilStar |
“Ay opo maraming
desiplinadong tao sa baguio,kahitmga taxi driver magalang at karamihan pa sa
knla ibibigay yong sukli mo kahit 20 centavos lang ,hindi sila balasobas”