Katutubo, ibinalik ang P6k na ayuda mula sa DSWD - The Daily Sentry


Katutubo, ibinalik ang P6k na ayuda mula sa DSWD




Isang babaeng katutubo ang nagbalik ng ayuda mula sa social amelioration program ng DSWD.

Pinatunayan ng babaeng taga San Enrique, Iloilo na hindi sagabal ang kahirapan para makagawa ng kabutihan.


Sa isang post sa Facebook page ng PIA o Philippine Information Agency, makikita ang katutubo na kinilalang si Helen Segura sa isang larawan kung saan hawak-hawak nya ang perang nagkakahalaga ng P6,000.00

Paliwanag ng ahensya sa caption, nauna nang nakatanggap ng ayuda ang tapat na babae mula sa 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Myembro ng katutubong Ati si Helen. Sila ay kabilang sa Negrito ethnic group sa Visayas. Sila ay partikular na makikita sa Boracay, Panay at Negros. Kapamilya nila ang iba pang ethnic group gaya ng Aeta, Batak, at Mamanwa.