Kahit emergency, netizen tinicketan parin: "Sana magkaroon ka ng awa dyan sa puso mo" - The Daily Sentry


Kahit emergency, netizen tinicketan parin: "Sana magkaroon ka ng awa dyan sa puso mo"



Muling isinailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang buong Metro Manila at ilang probinsya simula noong Agosta 4-18 matapos ang pakiusap ng mga health workers kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Photo credit: Va Ne Neh Facebook account

Kaya naman hindi maaaring lumabas o pumunta kung saan-saan ang mga tao. Tanging ang mga may quarantine pass lang ang pwedeng lumabas upang bumili ng mga pagkain at iba pang pangangailangan.

Ngunit, minsan ay nakagagawa tayo ng mga bagay na hindi naman natin gustong gawin dahil wala tayong choice.

Katulad na lamang ng netizen na si Vanessa Ignacio kung saan kinailangan niyang puntahan ang kanyang inang may sakit sa Navotas upang bantayan at asikasuhin.

PUMASOK PO AKO DYAN DAHIL KAILANGAN KO PONG BANTAYAN NANAY KO AT ASIKASUHIN DAHIL DI NGA PO SYA MAKALAKAD,” sabi ni Ignacio.
Photo credit: Va Ne Neh Facebook account

Ang akala ni Ignacio ay hindi siya huhulihin dahil may dala naman siyang quarantine pass, subalit tinicketan parin siya at kinailangan niyang magbayad ng P1,000 pesos para dito.

Aniya, ang isang libong ibabayad niya ay pambili sana ng gamot at iba pang pangangailangan ng kanyang ina.

Sinubukan rin daw niyang makiusap ngunit hindi siya pinakinggan ng nanghuli sa kanya.

Narito ang buong post:

“Wazzup NAVOTAS 😏😏 NAVOTAAS ?? HAHAHAHAHAHA. DI PO AKO PUMASOK NG NAVOTAS PARA GUMALA MGA SIR. PUMASOK PO AKO DYAN DAHIL KAILANGAN KO PONG BANTAYAN NANAY KO AT ASIKASUHIN DAHIL DI NGA PO SYA MAKALAKAD . NAKIUSAP NAMAN PO AKO NG MAAYOS DIBA ? NILALAYUAN NYO PO KAMI NA PARANG MAY SAKIT KAMI . 3 DAYS NA PO AKO PABALIK BALIK DYAN . OPO 3 DAYS NA PO BAGO AKO MATIKITAN AT WALA PONG NAG WARNING NA BAWAL PALA UNG QUARANTINE PASS KO . YUNG 1K PO NA NASAYANG NAMIN SA PAG BABAYAD SA INYO , PAMBILI SANA YUN NG GAMOT , VITAMINS , AT PANGANGAILANGAN NG NANAY KO . NAIINTINDIHAN KO NAMAN PO NA KAILANGAN MAG HIGPIT MGA SIR . KASO DI PO BA KATANGGAP TANGGAP UNG REASON NA INEEXPLAIN KO SA INYO ?? SHOUTOUT PO SA INYO DYAN MGA SIR AH LALONG LALO NA PO UNG NAGBABANTAY SA MAY HARANG. GOD BLESS NA LANG PO SAYO . SANA MAGKAROON KA NG AWA DYAN SA PUSO MO.”
 Photo credit: Va Ne Neh Facebook account
Photo credit: Va Ne Neh Facebook account

***