Isang mall sa Cagayan De Oro ipinatigil ang 'bagsak presyo' ng mga sapatos matapos dagsain ng mga tao - The Daily Sentry


Isang mall sa Cagayan De Oro ipinatigil ang 'bagsak presyo' ng mga sapatos matapos dagsain ng mga tao



 

Larawan mula sa Facebook page ng Hugot Byahero 


Normal sa ating mga Pilipino na maghanap ng sale bago bumili ng mga bagong bagay sa mall, lalo na kung ito bagsak presyo ng sapatos – wala talagang makakapigil kahit may pandemya.


Trending ang isang larawan ngayon sa social media na kuha sa isang mall umano sa Cagayan de Oro City.


Makikita sa larawan na dagsa ang mga mamimili na nakapila ngunit hindi nasunod ang tamang health protocol upang maiwasan ang pagkalat ng virus.


Napag-alaman na nagkaroon ng bagsak presyo ang Limketkai Mall nitong Agosto 15 na tatagal sana hanggang Agosto 21 para sa  Nike, Adidas, New Balance at Pro Touch sports apparel and shoes na hanggang 80% ang discount.


Kapansin-pansin mula sa mga larawang binahagi ng Hugot Byahero na hindi sumunod sa social distancing ang mga nakapilang mamimili habang naghihintay na makapasok sa loob mismo ng tindahan ng sapatos.


Sa kasalukuyan, ang post na ito mula sa Hugot Byahero ay umabot na sa 7.5k shares simula nang ito ay ibahagi nito sa Facebook kahapon.


Karamihan naman sa mga netizens ay di naiwasan ang mag komento sa larawan sa takot na mas lalong kumalat ang coronavirus dahil sa hindi pagsunod ng mga mamimili sa health protocol.*

Larawan mula sa Facebook page ng Hugot Byahero 

“Magsasabi pa na mahal ang face shield pero pag sale ng ganito walang mahal mahal sa inyo, pero kapg wala ng makain maghihingi ng ayuda, sisisihin pa ang gobyerno. Haist. Goodluck people. “


“Isisi na naman yan sa gobyerno pag nahawa kayo na bakit walang mass testing. Paano pa yan ma trace ang dami palang pera mahal pa naman ang gastos pag nagkaron ng covid tapos sisi nyo kay Duterte kc walang bagawa sa pilipinas. Pag sure jud”


“That’s why dapat talaga close muna ang mga malls. Hindi naman natin need ng mga bagong shoes etc. Grocery store lang dapat ng malls ang open muna. Dami kasi matitigas ang ulo. Buti sana kung marunong sila dumistansya no!”


“Go pinoy! Go for world's leading count on COVID 19's cases!! Fight lang!!”*

Larawan mula sa Facebook page ng Hugot Byahero 


“akala ko ba wala ng makain , walang work wala pera tapos my pambili ng sapatos , then akala ko pa bawal matatanda sa labas at kabataan bakit nasa labas sila? palpak na ung government natin pati iba natin kababayan kulang pa sa diseplina wala ng pag asa ang pilipinas at dun sa owner ng mall bakit naman pinayagan at dun sa my owner ng shop ng shoes ano walang pandemic ? NAPAKA ESSENTIAL ng sapatos welcome to ph”


Samantala, agad naman itong inaksyunan ng pamunuan ng Limketkai mall at pansamantalang ipinahinto ang warehouse sale.


“Due to the unexpected number of shoppers of The Warehouse Clearance Sale, some safety health protocols were not observed. Please be advised that our management have temporarily stopped the said activity at the Atrium which was thereafter seconded and approved by the City government,” ayon sa pahayag ng Limketkai Center sa official Facebook page nito.


Makikipagpulong pa rin ang mga opisyal ng mall sa pamahalaang lungsod upang pag-usapan ang diumano’y paglabag sa mga protocol sa kalusugan sa pagtatatag.


Tinawag din ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr ang pansin ng Inter-Agency Task Force sa isang tweet na ibinahagi ng isang netizen ang tungkol sa larawan na kumakalat sa social media.