Isang binata biglang inatake sa puso habang naglalaro ng online game sa computer shop - The Daily Sentry


Isang binata biglang inatake sa puso habang naglalaro ng online game sa computer shop



  


Screencap photos from GMA news and Youtube




Ngayong may krisis sa pandemya, sari-saring mga aktibidad ang pinagbabalingan ng atensyon ng ating mga kababayan malabanan lang ang lungkot dahil sa pansamantalang pagbabawal lumabas ng bahay.


Ang iba ay nag-aaral magbake, ang iba ay nag-eehersisyo, nagti-tiktok, nag-eenroll sa mga on line class at ang iba naman sa ay sa on line games nahu-humaling.*



At dahil sa sobrang paglalaro ng sikat na online computer games ngayon, binawian ng buhay ang isang labing siyam na taong gulang na binata mula sa San Fabian, Pangasinan dahil umano sa atake sa puso.


Ayon sa ama nitong si Samuel Biasura, labis ang kanyang pang hihinayang sa biglaang pagkamatay ng kanyang panganay na si Erwin Biasura, 19, bigla na lang umano itong natumba sa kina uupuan habang naglalaro ng on line game sa isang computer shop malapit sa kanilang bahay.


Agad na isinugod pa si Erwin sa ospital ngunit hindi na ito umabot ng buhay. Ayon sa mga doktor, atake sa puso ang ikina sawi ng binata.


Naabutan pa ng ama na naka higa ito sa sahig sa loob ng computer shop, at duon ay ginawa pa nitong irevive ang anak.*


Photos courtesy of GMA news and Facebook


“Pinuntahan ko dito wala ng pulso kasi. Ayun ginawa ko rin ‘yong magagawa ko para bumalik ‘yong pulso niya pero wala na,” ani Samuel.


Dagdag pa ng ama ni Erwin, palagi umano itong puyat at mayroon na ring karamdaman sa puso. Sa kautanayan nga raw ay umiinom na ito ng maintenance para sa sakit nito sa puso.

 

“Siguro na-excite siya sa paglalaro pero kasama na rin ‘yong puyat at tsaka ‘yong pagod kasi dito mainit kasi nasira electric fan,” dagdag pa ng ama.


 

Subalit napaalala naman ang mga doktor tungkol sa sobrang paglalaro ng on line games lalo na at may karamdaman tayo sa puso.

 

Ayon kay San Fabian Municipal Health Officer Dr. Jose Quiros, ang paog, hindi sapat ng tulog at sobrang emosyon ay maaring magdulot ng atake sa puso. *


Screencap photos from GMA news

“Bibilis ‘yong heart rate mo. Dapat iwasan mo ‘yong mga activity na nakakapagod at tsaka nakaka-excite,” pahayag ni Dr. Quiros.


Payo din ng nasabing doktor na importante na may palagi tayong sapat na tulog at pahinga lalo na sa mga taong mayroon problema sa kalusugan lalo na ang may mga sakit sa puso.


Hindi lang ito ang unang pagkakataon na napaulat na may nasawi dahil sa labis na paglalaro ng on line games lalo sa mga kabataan.


Samantala,maraming beses na ring napaulat ang mga nasasawi dahil sa paglalaro ng kinahu humalingang on line games ng mga kabataan sa ngayon.


 

Isa na rito ang isang binatilyo mula General Santos City, ang pumanaw dahil dito. Bagaman, huli na ng malaman ng kanyang pamilya ang tunay na dahilan.


Sabi ng mga doktor, hindi nakatulong sa kondisyon ng binatilyo ang palaging pagpupuyat at hindi pagkain ng tama dahil sa pagka humaling nito sa on line games na syang nakapag palala ng kondisyon nito. *

Photo courtesy of Smart Family


Base sa kwento ng kanyang mga magulang, simula ng magdeklara ng quarantine, ipinag bawal ang lumabas ng bahay kaya palagi na lang naglalaro ng on line games ang kanilang anak na labing limang taong gulang na si Ashton Kyle.


“Dun lang sya nag-focus sa paglalaro, palagi lang itong nakaupo o nakahiga lang habang naglalaro ng on line games sa kanyang cellphone, kung minsan pa nga ay nagagalit ito pag inuutusan.” Sabi ng ama ni Ashton.


Kalaunan ay napansin nila na bigla na lang naging matamlay ang anak, ngunit lingid sa kanilang kaalaman na mayroon na palang malalang sakit na Leukemia si Ashton Kyle. 


Ang palagiang pagpupuyat at hindi pagkain ng tama dahil sa sa pagka humaling sa on line games ang syang lalong nakapag palala sa kondisyon ng binatilyo. *


Photo file from Google


“Ang sabi ng doktor ay nagkulang sya sa Oxygen, kulang sya sa platelets, kulang sya ng dugo, which is ang cause nun ay dahil sa puyat at dahil sa kulang ng exercise, kulang sya ng activities dapat ng mga bata.” Dagdag pa ng ama nito.


Halos isang lingo umanong naconfine sa ospital si Ashton Kyle ngunit kalaunan ay hindi na kinaya ng katawan nito at binawian na nga buhay.


Noon pa man ay nagpaalala na ang World Health Organization (WHO) na maituturing na mental health disorder ang video game addiction.


Mas makabubuti na gawin ng mga magulang na limitahan o bawasan ang screentime o paglalaro at may susundang schedule ang kanilang mga anak.


“As much as possible, i-maintain po natin ‘yung dating schedule. “yung nagigising pa rin po sa usual na oras natin sa umaga, kakain po tayo ng sabay-sabay, magsi serve tayo ng healthy na pagkain, and then, huwag pong magpupuyat.” Payo ng City Health Officer ng General Santos City na si Dra. Rochelle Gajete-Oco.


“Kung hindi po natin ime-maintain ‘yung dating schedule, tsaka yung proper health and nutrition natin, mas madali po tayong makakakuha ng sakit.” Dagdag pa ni Dra. Oco.



May mensahe naman ang ama ni Ashton Kyle sa kapwa nya magulang, “Kung mahal pa natin yung mga anak natin, please, huwag nyo nang hayaan pang lumala.”