Imbes manghingi, lalaki nagpresinta na maglinis ng kanal kapalit ng pagkain para sa pamilya - The Daily Sentry


Imbes manghingi, lalaki nagpresinta na maglinis ng kanal kapalit ng pagkain para sa pamilya



 


Photos courtesy of Facebook @Francis Jun

 

Isang concerned netizen ang nagbahagi ng kanyang nakaka antig na kwento tungkol sa isa nating kababayan na lumapit sa kanya hindi upang humingi ng limos o pagkain bagkus nakiusap itong si kuya na kung maaari daw ba nyang linisin ang katapat  na kanal malapit sa tindahan ng ating netizen uploader. *


Ayon sa uploader na si sir Francis Jun, isang lalaki daw ang lumapit sa kanilang tindahan isang umaga at nagpalinga-linga ito at tila may kailangan sa kanya.



Kaya naman tinanong nya ang lalaki kung ano daw ang kailangan nito at kung ano ang maitutulong nya. Noong una ang akala nya ay isang costumer ito at may hinahanap lang.


Ngunit nang kanya ng tanungin kung ano ang kailangan nito, medyo alangan daw na sumagot ang nasabing lalaki.



Maya-maya pa ay nagsabi na ito kay sir Francis kung maari daw ba nyang linisin ang kanal para may maiuwi syang pera para sa kanyang pamilya.


Dahil sa pagdedeklara ng Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ kaya muling sinuspinde ang byahe ng mga pampublikong sasakyan maging ang ilang mga kumpanya at opisina ay pansamantalang ipinatigil din. *



Photo courtesy of Advocares


Kaya naman walang ibang mapagkakakitaan ang karamihan sa ating mga kababayan, kabilang na ang nasabing lalaki.


Halos ang buong bansa ay apektado ng krisis na dulot ng pandemyang COVID 19. Kanya kanyang pakikipagsapalaran at diskarte ang naiisip ang karamihan sa atin.


Maging ang mga personalidad sa showbiz ay ramdam ang hirap ng buhay ngayon at pinili nilang maghanap ng iba pa ng pagkakakitaan gaya ng on line selling ng mga pagkain, mga damit at iba pang produkto, upang matustusan ang mga gastusin buwan-buwan.


Nais sanang tanggihan ni sir Francis ang nasabing lalaki sa kanyang alok, dahil sya naman daw talaga mismo ang naglilinis ng kanal sa kanilang tapat.


Ngunit nangibabaw pa rin ang awa na naramdaman ng nasabing concerned netizen  kaya naman pumayag na ito sa kahilingan sa kuyang nakikiusap. *



Photo courtesy of Facebook @Francis Jun


Aminado rin si sirFrancis na sya mismo ay hindi rin nakararanas din nghirap at sapat lang din ang kanilang kita para sa pantustos sa kanyang pamilya.


Pero alam ni sir Francis sa kanyang kalooban na higit na nangangailangan ang pamilya ni kuya kaya ito ganun na lamang kadespirado at naglakas loob ng lumapit sa kanya.



Nagawang ibahagi ni sir Francis ang kwento ng kuyang ito upang kung sakali man na makita natin ang nasabing lalaki at makiusap sa atin sa alok ng serbisyong paglilinis, huwag sana tayong mag-atubiling tulungan si kuya, para naman tulong na rin ito sa kanyang pamilya na siguradong nakakaranas ng hirap ngayong panahon ng pandemya.


Narito ang kabuuan ng post ni sir Francis Jun sa kanyang Facebook at agad itong nagviral:


“Ang aga may lumapit sa tindahan akala ko bibili nang tanungin ko kung ano po kailangan sabi nya pwede daw ba nya linisin ung kanal para daw may maiuwi sya sa pamilya nya mecq wala daw syang work, overgrown na planung mga damo. *


Photo courtesy of Facebook @Francis Jun


 Auko sana kasi ako talaga maglilinis ng kanal sa tapat namin. Kaya lang naawa ako kay kuya kaya pumayag nalang ako.



Kaya kung makaka abot sainyo si kuya at makiusap. Sana pagbigyan nyo na para makatulong nmn. Mahirap lang din ako.


Asa lang din pero alam ko mas mahirap kalagayan ni kuya. Hindi cguro nya gagawin yan kung di langbtalaga kailangan......kayo na bahala sa kanya.”

 

Bumuhos naman ang pasasalamat ng mga netizens kay sir Francis at labis na naantig naman ang mga ito sa kalagayan ng lalaking nagpresinta ng trabaho:


“Saludo ako sa ganyang ama. ....ggawin lahat just to provide the needs of his family”


Marangal na trabaho hanga po ako sa inyo kunting pera napakahalaga sa ating mahihirap pero yong mga nasa gobyerno natin limpak2 na ang pera galing sa masama d pa nakuntinto sarap kumain ng talagang pinaghirapan d yong kinurakot sa kaban ng bayan god bless po kuya sana pagpalain ka ni lord


“Pamilya ko , kaibigan , kamag anak at kakilala saludo kaming lahat sayo Tay! Isa ka pong dakila at huwarang Ama! May the Lord God bless you and give you a good health and your family on this turbulent time.”


“Beautiful hands are those who work! Maduming trabaho pero malinis na paraan para kumita para sa pamilya. Di tulad ng marami dyan, sine Sir pa!



“Mabuti yon kesa mgnakaw cia. At least hindi lng cia nanghingi ng pera pinagtrabahuhan ya. D cia katulad sa mga badyaw mlakas pa ang kTawan at Bata PA hingi lng ng pera at pg d binigyan mumurahin ka pa.


Photo courtesy of Facebook @Francis Jun