Mga larawan mula sa Facebook post ni Rolyn Garbo |
Nakakatuwang makita na ang mga kapulisan natin ay gumagawa at
nagpapamalas ng mga kabutihan at kagandahang loob lalo’t sila ang ating takbuhan
sa oras ng pangangailangan na kadalasan pa nga ay itinuturing natin silang mga
makabagong bayani sa ating panahon.
Tila nakakagaan sa pakiramdam at lalo mo silang irerespeto dahil
sa kanilang kahanga hangang trabaho taliwas sa mga balita na nasasangkot sila
sa di magandang gawain. *
Larawan mula sa Facebook post ni Rolyn Garbo |
Kaya naman mabilis na nagviral ang larawan na kuha ng isang
netizen sa Camarines Sur kung saan makikita ang grupo ng mga pulis habang kausap
ang batang babae na nagtitinda ng mga gulay at hawak ang paninda ng paslit na
ito.
Ayon sa ating netizen na si Ms. Rolyn Garbo, nadaanan nila ang
batang babae na nagtitinda ng mga gulay upang marahil ay makatulong sa paghahanap
buhay ng kanyang mga magulang.
Nais sana nilang balikan ang lugar kung saan nagtitinda ang bata
upang makabili din sa kanyang mga paninda.
Ngunit ng kanilang makita ang grupo ng mga pulis na kinakausap ang
nagtitindang bata at hawak hawak ang kanyang mga panindang gulay, at ayon sa
kwento ng netizen na ito ay pinakyaw na ng mga pulis na ito ang paninda ng bata.*
Larawan mula sa Facebook post ni Rolyn Garbo |
“Babalikan sana namin nang makita namin ang mag pulis na ito na
pinakyaw lahat ng paninda ng bata sa lugar at pinaalalahanan sa siguridad lalo
at menor de edad at babae ang bata na nasa tabing kalsada at walang kabahay
bahay.” Kwento ng uploader na si Rolyn Garbo
Dagdag pa ni Rolyn, pinaalalahan na din ang bata patungkol sa kaligtasan
nito dahil mapanganib para sa kanya lalo na at menor de edad at babae pa naman
ito habang nagtitinda sa tabing kalsada lang at malayo sa mga kabahayan.
Hinangaan ng mga netizens sa ginawa ng mga pulis dahil patunay daw
ito na marami pa ring matitino at mababait sa kanilang hanay taliwas sa mga
napapabalita sa TV.
Umani din ng papuri at paghanga mula sa social media ang ilang
miyembro ng Philippine National Police (PNP) na ito mula sa Pili, Camarines Sur
dahil sa kanilang kabutihang-loob. *
Larawan mula sa Facebook post ni Rolyn Garbo |
“Keep up the good work, mga
madam sir,” dagdag pa ni Rolyn.
At bukod sa pagpakyaw sa mga tindang gulay ng bata upang makauwi na ito
ay kanila pa umanong inihatid ang bata sa kanilang bahay para masiguro na
ligtas na makakauwi ito.
Maraming netizens ang humanga sa mga pulis dahil sa kanilang pagmamalasakit
sa bata na marahil ay kailangang kumita para makatulong sa kaniyang pamilya.
Sa katunayan ay umaabot na sa 1,400 shares ang post ni Rolyn at
mayroon naman mahigit dalawang
daang komento mula sa netizens. Narito ang ilan sa nakakaantig nilang pahayag
hinggil sa viral post na ito:
“Sirs and maam DIYOS na po ang bhla mgbbgay ng biyaya sa inyo salamat sa malasakit nyo sa bata at sa mga mamanayan sa nasasakupan nyo god bless u po” *
Larawan mula sa Facebook post ni Rolyn Garbo |
“Good job, mga sir maam.. Saludo ako sa mga ganitong pulis..
Gabayan kano God sa mga mabubuting gawahin nuo sa mga tao.. Malaking tulong na
yan sa kanila, mga sir maam…”
“Maraming lesson sa buhay ang hatid Ng gnyang klaseng mga experience sa buhay. Kapupulotan mo yan Bibi girl ng diskarte sa buhay, lakas at tatag ng loob. Pag dating ng araw. Ang mga ganyang klase Ng Bata pag laki saan mn mpunta mggwang mag adjust sa kpaligiran nya dhil sa mga nki experience nya. Relate po me jn. Nong Bata aq lhat na experience ko.”
"Good job mga sir and maam... yan ang totoong TO SAVE & PROTECT..."
“Nakakaiyak, mga sir at ma’am, tagos sa puso sana all salute you and god bless po sa inyo,” dagdag naman ng isa pa.*
Larawan mula sa Facebook post ni Rolyn Garbo |
“Karamihan po sa
hanay ng ating mga KAPULISAN ay mabubuting alagad ng batas, kabilang na po dyan
sina mam at sir. SALUDO PO AKO SA INYO!!!!!! Sana po kayo ang maging HUWARAN ng
inyong HANAY.”
Gayun na lamang ang pagtanggap at paghanga ang mga netizens sa ginawa ng mga pulis dahil
patunay daw ito na marami pa rin ang matitino at mababait sa kanilang hanay.
Narito ang kabuuan ng post ng Netizen na si Rolyn Garbo:
“Chanced
upon this little girl peddling some veggies to make both ends meet.
Babalikan
sana namin nang makita namin ang mag pulis na ito na pinakyaw lahat ng paninda
ng bata sa lugar at pinaalalahanan sa siguridad lalo at menor de edad at babae
ang bata na nasa tabing kalsada at walang kabahay bahay.
Keep up the good work mga madam sir.”*
Larawan mula sa Facebook post ni Rolyn Garbo |