Empleyado ng isang boutique, nakapagpagawa na ng sariling bahay na may tatlong kwarto - The Daily Sentry


Empleyado ng isang boutique, nakapagpagawa na ng sariling bahay na may tatlong kwarto



Photo courtesy of Facebook @Naz Arene



Sino ang mag-aakala na ang isang simpleng empleyado sa isang mall ay makakapagpatayo ng kanyang sariling bahay na yari sa konkreto at may tatlong kwarto?

Ito ang nakaka-inspire na kwento ng isang empleyadong si Naz Arene, 26-anyos na netizen mula Nueva Ecija,  na dahil sa kanyang sipag at tiyag ay nakamit nya ang kanyang dreamhouse.*

Nafeature ang inspiring story ni Naz sa KAMI, at napag-alaman na isang emplyedo sa sikat  na H&M store sa Maynila ito  at ni minsan ay hindi raw siya nakapag-abroad. 


Kanya ding ibinahagi ang kwento ng kanyang success story sa Lovely House Designs page sa Facebook, upang maka-inspire din sya sa maraming nagnanais na magkaroon ng sariling bahay. 

Napakasarap daw talaga sa kanyang pakiramdam na sa kanyang murang edad ay nakapagpundar na siya at hindi pa niya kinailangang lumayo sa kanyang mga mahal sa buhay para lamang maisakatuparan ito.

Siya ang pinakabata sa pitong magkakapatd, at wala pang asawa upang makatulong sa magulang at mabigyan sila ng komportableng buhay habang nandyan pa ang kanilang mga magulang na pareho ng senior citizen.

Bukod sa pagiging empleyado ng isang fashion boutique, pinasok din ng ating netizen ang on-line selling, at naging maganda naman ang resulta.*

Photo courtesy of Facebook @Naz Arene



Sariling sikap at sakripisyo sa pag-iipon ang kanyang ginawa upang mabigyan ng maayos na tirahan ang kanyang mga magulang na pawang mga senior citizen na. 

Dito na sya nagsimulang makapag-ipon at nito ngang January at sinimulan na ang pagpapatayo ng kanyang dreamhouse. 

Subalit dahil sa krisis na dulot ng pandemya, nahinto ang konstruksyon ng kanyang bahay dahil sa enhanced community quarantine at muli lang napagpatuloy ang paggawa nitong Hunyo.

At sa kasalukuyan ay natitirhan na nila ito ngunit kailangan pang pinturahan, mayroon itong tatlong kwarto at isang palikuran kaya naman masasabing may kalakihan din ang kanyang nagastos dito. Sa ngayon, halos ₱900,000 na ang nagastos niya rito.

Ayon pa kay Naz, balak nyang pataasan ang nasabing dreamhouse at sa katunayan ay may abang na nga ito para sa ipapatayong second floor. *



Photo courtesy of Facebook @Naz Arene



Pero kanya munang tinatapos ang 1st floor at kailangan nya pang pag-ipunan ang pondo na gagamitin para sa 2nd floor. 


Aminado ang ating netizen, na naging mahirap ang buhay sa panahon ngayon dahil sa pandemya, ngunit payo nya sa mga netizens na ipush lang ang pagsisipag para sa minimithing dreamhouse at kahit paunti-unti ay makakamit din ito.

Ika nga, walang imposible sa taong masipag at may porsigidong makamit ang minimithi. Just do your best and God will do the rest.

Sobrang fullfillment daw ang nararamdaman ngayon ni Arene, kahit medyo nadelay man ang kanyang pangarap ng bahay ay maibabahagi nya pa ito sa kanyang pinakamamahal na magulang habang sila ay nabubuhay pa. 

Matagal ng pangarap ni Naz na mabigyan ng maayos na matitirhan ang kanyang mga magulang, at nais nya itong manirahan na sa Nueva Ecija, malayo sa polusyon at stress sa syudad, at maranasan naman ang nakakarelax na buhay sa probinsya.*

Photo courtesy of Facebook @Naz Arene




Hangad daw ni Arene na maka-inspire ang kanyang kwento ng tagumpay sa iba at patunay lamang ito na walang imposible sa taong naniniwala sa sarili niyang kakayahan ay may tamang timpla ng determinasyon sa pag-abot ng mga pangarap niya sa buhay. 

Laking pasasalamat ng dalaga sa ating May Kapal, na kahit ang karamihan ay naiisipang makapag-abroad, ang ilan naman ay nananatili sa bansa at naisasakatuparan pa rin naman ang mga simpleng pangarap para sa kanilang pamilya nang hindi na lumalayo sa kanila. 

Narito ang kanyang buong post sa Facebook group ng Lovely house designs:

"Just wanna share this, my big blessing sent from above to inspire you guys. specially sating mga anak na we need to give back all those sacrifices ng parents natin kahit pa konti-konti lang habang may time pa at nanjan pa sila.*



Photo courtesy of Facebook @Naz Arene



Sa nueva Ecija to, gusto ko kasi dun na sila mag stay for good, mas maayos na bahay, sariwang hangin mas simpleng buhay. I'm 26 yrs. Old, employee from H&M (never been work abroad)

"Thankyou very BIG sa help and inspiration."


*Online seller din po ako* 

Youngest ako and 7 kami, ako nalang ang not yet married. 

Pinagawa ko talaga ito for me and specially for my parents na both na silang senior citizen. Nag start ipagawa by january, and na stop last march then continue ulit this june and as of this moment eto na sya, paint nalang ang kulang .

 Yes naka abang sya for 2nd floor but my target is to finish na muna yung 1st floor, then ipon muna for 2nd floor.. Mejo mahirap ang buhay specially this time of pandemic, but if you really push on your goal kahit paunti-unti walang imposible. *

Photo courtesy of Facebook @Naz Arene




 Sobrang fulfillment yung nararamdaman ko ngayon na mejo late man, sa sipag at tiyaga mapaparanas kopa din saknila yung munting pangarap nila magkaroon ng maayos na matitirahan. 

3 rooms, 1 bathroom

Hope to inspire guys. Godbless!"

Bumuhos ang paghanga at pagbati sa inspiring story ni Naz at narito ang ilan sa kanila:

"goodjob sau ineng. more blessings to you for being a good daughter"

"Godbless Us sis...ako din nag abroad ako pagawa bahay pero kasama ko si mama at papa sa bahay ko. ako ang bunso, pangarap ni papa dati na concret na bahay.. di ko inakala ako pala makabigay nila. The best blessing from God."

"Ang ganda nya..napakabait mong anak sana makakuha ka ng mapangasawa mo na pareho mong mabait at masipag..gud job and god bless"


"pagpalain ng Panginoong Diyos ang mga anak na marunong magpapahalag sa mga taong sa kanya'y nagbibigay buhay. ibayong biyaya nawa ay mapapasaiyo...God bless you!"

"Wow! Naz Arene, you are really an Inspiration to the young people and young alike .for a 26 years old that is a big accomplishment especially for someone that hasn’t been out of the country keep up the good work young man. I’m sure your parents are extremely proud of you enjoy. Congratulations."*