Bago pa man ipatupad ang community quarantine sa buong bansa dulot ng C0VID-19, marami na sa mga kabataan ngayon ang nahuhumaling sa online games. Ngunit dahil maghapon magdamag na nasa bahay halos lahat bunsod ng lockdown, mas dumami ang oras na naigugugol dito ng ilan, hanggang sa puntong pinagpupuyatan pa nila ito.
Hindi lingid sa kaalaman ng marami ang mga kapahamakang dala ng madalas na pagpupuyat. Samantala, ilang eksperto na rin nakapagsabing ang labis na paggamit ng gadgets ay masama sa kalusugan.
Ito umano ang naging dahilan ng pagkasawi ng isang 15-anyos na binatilyo ayon sa Facebook post ng isang babaeng nakikiramay sa pamilya ng yumaong lalaki.
"REST IN PEACE BRENT DUMAQUE CONDOLENCE PO SA FAMILY MO", panimula ng netizen na si JPrincess Toquero.
Kasunod nito ay ang paliwanag nya sa ikinasawi raw ni Dumaque.
Saad ni Toquero, palagi raw nagpupuyat at nakatutok sa gadgets ang lalaki. Bukod pa rito, nagkakape pa raw ang binatilyo tuwing madaling araw.
"SA MGA NAGTATANONG KUNG ANO NANGYARE SAKANYA NAMATAY PO SYA PALAGI PO KASE SYANG NAG PUPUYAT AT TUTOK SA GADGETS TAS KADA 3:00 AM NAG KAKAPE PO SYA KAYA NAPUTULAN PO SYA NG UGAT SA PARTE NG ULO NYA :<" aniya.
Sa dulo ng caption, nagbigay ng babala ang babae sa mga taong katulad ni Dumaque.
"SA MGA PALAGING NAG PUPUYAT AT TUTOK SA GADGETS JAN SANA MAIWASAN NYO NA DEN PO MAG IINGAT PO KAYO PALAGE" pagpapaalala ni Toquero.
Tingnan ang naturang Facebook post ng netizen na nagbigay ng babala: