Ngayong panahon ng krisis dahil sa pandemya sa COVID 19, halos lahat sa atin ay may kani kainyang hirap na pinagdadaanan.
At dahil sa pagdedklara ng lockdown, upang mapigilan ang pagkahawa natin sa nakamamatay na virus, maraming kumpanya at mga negosyo ang nagsara, marami din sa atin ang nawalan ng hanap buhay. *
Maging ang paglabas ng bahay para bumili ng ating mga pang araw araw ng pangangailangan gaya ng mga groceries at pagkain ay naging pahirapan na din.
Kaya naman ang iba sa ating mga kababayan ay naka isip ng paraan upang makasabay sa hamon ng panahon.
Nakaisip ang karamihan sa atin na muling buhayin ang pagtatanim sa mga bakuran, ngunit ang iba naman na walang bakuran para mapag taniman ng mga simpleng gulay sa mga paso o mga pinaglumaang lalagyan ng ice cream at iba pang pwedeng paglagyan ng lupa.
At ngayon nga ay muling hinihikayat ng pamahalaan ang pagtatanim sa ating mga bakuran o ang tinatawag na Urban Gardening.
Sa katunayan, may libreng mga seedlings na ipinamimigay ang Department of Agriculture (DAR) upang maengganyo ang ating mga kababayan na magtanim ng simpleng gulay upang hindi na kailanganin pang bumili sa palengke. *
Isang halimbawa dito ang isang mag-anak na naka isip gawing munting hardin ang kanilang bubungan. Dahil na nga sa walang sapat na bakuran ang kina titirikan ng kanilang bahay.
Naisip ng kanilang padre de pamilya ng bakit hindi na lang nila gawing taniman ang natitirang espasyo sa kanilang bahay, yan ay ang kanilang bubungan.
Matapos magresign sa kanyang trabaho bilang guro nitong Marso, naisip ni sir Arnel Dormiendo o Mang Buboy na magtanim na lamang upang may maaani sila anumang oras na gusto nila at hindi na nila kailangan pang maglabas ng pera.
Gamit lamang ang mga ni recycle na lalagyan ng mga softdrinks, ice cream at iba pang pwedeng gamitin bilang pamalit sa paso.
Nanunood si Mang Buboy ng mga videos tungkol sa gardening tips sa social media at sa Youtube at maging sa mga webinars na proyekto ng DAR. *
Sinimulan ni Mang Buboy ang preparasyon sa tulong ng kanyang misis at mga anak, wala man syang mabilhan ng mga materyales sa pagtatanim, gumamit sya ng mga used na lalagyan at sa tulong nga mga on line sellers, nabili sya ng mga seedlings na pantanim.
Sa loob lang ng isang buwan, nakaka pag-ani na sila Mang Buboy ng sarili nilang mga gulay gaya ng pechay, mustasa, talong, lettuce, okra at iba pa.
Wala man silang malaking lupain, nagawa nulang magtanim ng iba't ibang halaman hanggang sa lumago na ito. Ika nga ng kanta ng bahay kubo, "kahit munti man ito, ang halaman naman doo'y sari sari".
Labis na galak ang naramdaman ni Mang Buboy nga makita nyang lumago ang kanyang pananim at hanggang sa makapag ani na nga sila ng mga gulay mula dito.
Nais din ni Mang Buboy na ishare ang kanyang mga pinaghirapan sa kanyang mga kapitbahay at plano nya sa mga susunod na panahon ay hindi lang para sa personal consumption ang kanyang maitanim bagkus ay mapagkakitaan na nya ito. *