Dating PUI, Bb. Pilipinas candidate ibinihagi ang kanyang buhay bilang fishball at kikiam vendor ngayon sa gitna ng pandemya - The Daily Sentry


Dating PUI, Bb. Pilipinas candidate ibinihagi ang kanyang buhay bilang fishball at kikiam vendor ngayon sa gitna ng pandemya



Screencap photos courtesy of Youtube @IAMBinibini and ABC5




Viral ngayon sa social media ang nakaka antig at buong tapang na paglalahad na isang binibining Pilipinas candidate na si Ms. Kimberly Ann Tiquestiques na isang taga Balagtas, Bulacan.


Sa kabila ng mga hirap na kanyang pinagdaanan sa buhay ay proud pa rin nitong inamin at inilahad sa ang kanyang buhay sa introduction video nito para sa prestihiyosong kumpetisyon ng bansa. *



Screencap photos courtesy of Youtube @IAMBinibini


Naantig ang damdamin ng mga netizens sa paglalahad ni Kimberly ang kanyang buhay bago maging isang kandidato sa Binibining Pilipinas, kabilang na sina 2018 Miss Universe  Catriona Gray at 2016 Miss Grand International  first runner-up Nicole Cordoves na humanga dahil sa kaniyang kuwento ng pagpupunyagi.


Kwento ni Kimberly, inamin nya na lumaki sya mula sa isang broken family, kasama ang kanyang ama at dalawang nakaba batang kapatid.


Dahil sa pagiging panganay sa magkakapatid, bata pa lamang siya ay nasabak na sa pagtatrabaho ang kandidata mula Bulacan. Dahil hindi naman halata umano na isa pa lang syang menor de edad dahil sa kanyang katangkaran.


Sanay sa hirap sa buhay dahil sa murang edad na 16 anyos ay nagsimula na siyang magtrabaho bilang isang service crew sa mga fastfood chains sa kanilang bayan. *

Screencap photos courtesy of Youtube @IAMBinibini and Facebook


Maliban sa kaniyang trabaho bilang service crew, sinubukan niya ring mag-sideline bilang modelo at usherette sa mga karatig bayan sa Bulacan at sa Maynila, at hanggang sa sumasali na nga ito iba’t-ibang mga beauty contests.



“So, siyempre push pa din dapat yung pangarap,” sabi ni Kimberly.


Nag-working student din umano siya subalit napilitang huminto sa pagta trabaho para magfocus sa kaniyang OJT. Aniya, importante daw ang OJT sa buhay ng isang estudyante dahil ito ang magiging basis kung makaka graduate ka o hindi.


Hanggang sa maka pagtapos na nga ito ng pag-aaral, ngunit pinilimuna ni Kimberly na huwagmuna mag-apply ng ibang trabaho bagkus iprusue ang pangarap bilang maging isang beauty queen baling araw.


Sumali rin si Kimberly sa Binibining Bulacan kung saan siya itinangghal na nanalo hanggan marating nya ang Binibining Pilipinas. *


Photo courtesy of Facebook @Kimberly Ann Tiquestiques

 

Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay may dumating na matinding pagsubok sa buhay niya at hinding hindi nya makakalimutan ang karansan nya nang mapa bilang siya sa mga PUI (person under investigation) nitong matapos ideklara ang pandemiya ng COVID-19 sa bansa.



Noong nakaraang Marso 19 umano nang makaramdam siya ng hindi maganda kaya agad siyang pumunta sa kanilang municipal health office na kaagad siyang idineklara bilang PUI.


At sa loob daw ng halos isang buwan ay dumaan siya sa matinding pag-aalala sa kaniyang kalusugan at maging sa kanyang pamilya


“Thankfully naman andun ‘yung family ko, mga kaibigan ko, ‘yung mga nagmamahala sa akin,” ani Kimberly. “Ayun naging okay din lahat.” Pahayag nito.


Hindi rin daw nya ikinahihiya na nagtitinda siya ngayon ng mga street food upang kahit paano ay kumita sa panahon ng pandemya. *

Screencap photos courtesy of Youtube @IAMBinibini 


“Naisip ko mag-tindera ako. Nagtitinda ako ng fishballs at kikiam. Binalikan ko ‘yung pagtitinda ko nung high school ako. Kailangan ko talaga ng income para makatulong sa pamilya. Kailangang malagpasan natin ‘to!” kwento pa ni Kimberly.



Nagsilbing inspirasyon ang maikling kwento ng buhay ni Kimberly na tumatak sa mga netizens. At kinakitaan siya ng katapatan at katatagan na kahit anumang hirap ang pagdaanan natin sa buhay ay patuloy niyang pinagsisikapan ang umahon at maging matatag.


Ito dapat ang laging isa-isip n gating mga kababayan lalo na ang mga pinanghi hinaan ng loob, na dapat ay diskarte at abilidad ang pinaiiral lalo na sa mga kababayan nating labis na naapektuhan ng pandemya.


Nais ng beauty queen candidate na ito na ibahagi ang kanyang pinagdadaanan sa gitna ng mga suliranin sa buhay at nawa ay magsilbing inspirasyon sa ating mga kababayan lalo na sa mga kabataan. 



“Dapat push pa rin ang pangarap, na kahit ano yung pinagdaanan mo sa buhay, kailangan patuloy kang lumaban. Kasi yung laban na to ngayon, hindi lang sayo eh, sa pamilya mo, lalo’t higit dun sa mga kapatid mo, kapatid ko, na dahilan kung bakit talaga ako nagpupursige sa buhay ko.” Pahayag ni Kimberly na may kalakip na determinasyon at katatagan sa buhay.*

 

Photos courtesy of Facebook @Kimberly Ann Tiquestiques