Hindi naging hadlang ang katandaan ng isang lalaki para maisakatauparan ang kanyang pinakaaasam-asam na pangarap.
Sa libo-libong nagnanais maging abogado na nag-take ng Bar exam noong November 2019, isa sa 2,103 na nakapasa ay si Jaime Guerrero.
Makalipas ang 20 taon, natamo ni Guerrero ang matagal na nyang minimithing tagumpay matapos lumabas ang Bar exam results kamakailan lamang.
Ayon sa bagong abogado, na kasalukuyan ay nagta-trabaho bilang senior health program officer sa Department of Health regional office sa Bicol, ang pagpasa nya sa napakahirap na pagsusulit ay pang-walo nyang attempt para makamit ang pangarap.
Una syang sumubok noong 1996 nang magtapos sya ng abogasya sa Aquinas University na ngayon ay University of Santo Tomas (UST) Legazpi.
“My grades pushed me to try and try. When I got a rating of 74.85 in a previous exam, I worked harder,” saad ni Guerrero.
Nang mabigo syang makapasa sa unang take, nasundan ito ng marami pang beses. Hindi sya napagod sumubok muli noong 1997, 1998, 2000, 2002, 2004, 2017 at ang pinakahuli ay noong 2019.
Ngayon ay mayroon na syang limang anak na lahat ay nagtatrabaho na.
“When I first took the bar, they were still young. But this time, they were the ones who financed my [refresher] schooling,” kwento ni Guerrero.
Aniya pa, dati na syang tinanggihan ng isang kilalang law dean para sa isang online coaching program dahil alam nitong ilang beses na syang bumagsak.
Pero paliwanag nya, “It’s never too late for me. If you don’t even try, you will never succeed,” he said.