Vendor ng taho pinamigay ng libre ang paninda para sa mga kababayang nagpapa-mass testing - The Daily Sentry


Vendor ng taho pinamigay ng libre ang paninda para sa mga kababayang nagpapa-mass testing




Photos courtesy of Philippine Star


Hinangaan ng mga netizens ang pagmamagandang loob ng isang magtataho nang imbes pagkakitaan ang kanyang nilalakong taho ay mas pinili pa nitong ipamigay nang libre ang kanyang paninda para sa mga kababayang nakapila sa Maynila.

Sa mga binuksang free drive thru COVID testing centers na proyekto ng magaling at masipag na mayor ng Maynila na si Francisco "Isko" Moreno, sa Quirino Grandstand at ang isa naman ay sa Bonifacio shrine na malapit sa Manila City hall. *


Dahil sa limitado lang kada araw ang pwedeng sumailalim sa libreng COVID testing, kaya naman madaling araw pa lamang ay dagsa na ang mga tao mula pa sa iba't-ibang lugar sa kalakhang Maynila at mahaba na ang pila ng mga sasakyan na nais makatanggap ng libreng serbisyong ito. 

Napagpasyahan ng isang taho vendor na kinilalang si kuya Gimmy Conos, na samantalahin ang mabuting pagkakataon na mamigay ng libreng taho sa mga kababayang maaga pa lang ay matyaga ng pumila sa nasabing COVID testing center.

Hindi tumanggap ni piso mula sa mga nakapila si Kuya Gimmy, kahit na inaalok ito na bayaran ang kanyang binigay na taho.

Katwiran ni Kuya Gimmy kung bakit nya pinamigay ang panindang taho, aniya maliit na bagay lamang ito kumpara sa ibinibigay na serbisyo ng pamahalaan sa ating mga mamamayan. *

Photo courtesy of Philippine Star


Naiiyak pa nitong sinabi sa isang panayam na sa kanyang maliit na paraan ay nakakatulong sya sa ating pamahalaan at sa mga sakripisyo ng mga frontliners na katuwang natin sa pagsugpo sa sakit na COVID 19.


Kaya naman maraming nakasaksi sa kahanga-hangang pinamalas ni Kuya Gimmy, maraming netizens ang nagpaabot ng kanilang paghanga at pasasalamat sa ulirang taho vendor na gaya ni Kuya Gimmy.

" Buti pa itong c kuya kht sa maliit na puhunan nya mas gustuhin pang makatulong sa iba d gaya ng ibang mayayaman d man lng magparmdam...Gid bless kuya !!!"

"True generosity is giving out from your living... it's not when we give from our excesses that generosity is measured, it is when we give even the little that we have."

"God bless po sau kuya,sobrang laki ng puso m sa ating mga kbbayan n nangagailangan..." *

Photos courtesy of Philippine Star


"Baliktad ung naghihirap namimigay ng paninda nya ....sna ung mayayaman nman ang mamigay sa katulad nya naghihikahos sa buhay..."

"Jimmy conos po real name nya poo. Sobrang bait po talaga ni manong namimigay po sa ng libreng taho sa harap ng TUP, para saamin malaking tulong na pero sana magbigay parin sa kanya kahit magkano kapalit ng taho."


"Salamat Tay isa kang mabuting halimbawa sa kabila ng Pandemya !!! I salute you..."

"A poor man, with a BIG heart.. God bless you tatay, Sana guide ka ni LORD always, hindi hadlang Ang kahirapan para makatulong sa kapwa, Sana Tularan ka ng Mas nakakarangya sa buhay... Keep safe po.."