Dahil sa krisis na kinakaharap ng buong mundo, marami ang nawalan ng trabaho at nawalan ng hanap-buhay. Mayroong iba na madiskarte at nag-isip ng ibang paraan upang kumita ng pera.
Teacher Sunshine Melorin / Photo credit: GMA News Online
Isa si teacher Sunshine Melorin na napilitang magtinda ng tocino at iba pang bagay sa online matapos magsara ang eskwelahan na kanyang pinapasukan.
Matapos magtrending ang kwento ni teacher Sunshine sa GMA “24 Oras”, umani ito ng maraming papuri at pag hanga mula sa mga netizens. Mayroon din mga netizen na nagpaabot ng tulong pinansyal.
Ang pinaka magandang tulong na natanggap ni teacher Sunshine ay ang pag-aalok sa kanya na muling magturo bilang isang guro sa isang international school sa Maynila.
“Ang sarap po sa pakiramdam,” saad ni teacher Sunshine.
Teacher Sunshine Melorin / Photo credit: GMA News Online
Teacher Sunshine Melorin / Photo credit: GMA News Online
“Talagang sobrang nalungkot po ako nung nagkaroon ng COVID kasi halos three to four months na po akong hindi nagtuturo. Hindi ko po talaga kayang hindi magtuto. Tapos hindi ko na nakikita yung mga students ko. Talagang nakakalungkot po,” dagdag ng guro.
Isa sa mga nag-alok ng tulong pinansyal ay si Car Infante, isang ordinaryong empleyado. Alam raw niya ang pakiramdam ng mga katulad ni teacher Sunshine na nawalan ng hanapbuhay.
“Naranasan ko ’yung gusto ko lumabas, wala akong pamasahe, wala akong pera,” sabi ni Car.
“Kaya noong nakita ko ’yung kwento nya, kung meron naman akong maitutulong kahit maliit, why not?” dagdag nito.
Teacher Sunshine Melorin / Photo credit: GMA News Online
Teacher Sunshine Melorin / Photo credit: GMA News Online
Teacher Sunshine Melorin / Photo credit: GMA News Online
Bumaha rin ng mga mensahe at suporta para kay teacher Sunshine mula sa mga kaanak, dating estudyante at maging mga taong hindi niya kilala.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si teacher Sunshine sa mga tumulong at nagbibigay suporta sa kanya. Aniya, dapat raw ay magtulungan ang bawat isa.
“Maraming maraming salamat po sa mga nagbibigay po ng mga suporta, sa mga tumutulong din po. Kasi hindi po talaga biro ang yung kinakaharap po natin ngayon.”
“Hindi rin lang po teachers yung nahihirapan sa ngayon, marami po talagang nawalan ng trabaho. Ang maganda po talaga ay magtulungan lang po tayo.”
Sa ngayon ay pinag iisipan pa ni Teacher Sunshine ang alok na ibinigay sa kaniya ng isang international school.
***
Source: GMA News Online