Viral ngayon ang kontrobersyal na pahayag ng vlogger na si Andrew Luis Lapid o mas kilala bilang Buknoy Glamurrr patungkol sa mga tricycle drivers na ikinagalit ng mga netizens.
Photo from Richard Licop
“Ang gusto ko talagang sabihin sa inyo is wag kayong sumuko na mangarap. Wag na wag kayong sumuko na tuparin ang mga pangarap ninyo kasi kung hindi kayo magsu-sumikap sa buhay, walang-wala kayong mararating tulad nito.”
Photo from Richard Licop
Dahil dito ay sangkatutak na bash na ang tinaggap ni Buknoy. May ilang mga netizens naman ang ipinagmalaki ang kani-kanilang mga magulang na isang tricycle driver ngunit nagawa silang pag-aralin hanggang makapagtapos.
Sa Facebook post ng netizen na si Richard Licop, ipinagmalaki nito kay Buknoy ang kanyang tatay na isang tricycle driver at kumikita umano ng 300 pesos araw-araw.
Ayon kay Richard, dahil sa kanyang tatay ay nakapagtapos siya ng pag-aaral at naabot niya ang kaniyang pangarap.
Sa ngayon ay mayroon ng dalawang branch ng salon si Richard at sarkastiko niyang iniimbita si Buknoy na pumunta sa kanyang salon.
"Wag niyong mamaliitin ang mga magulang na mababa lang ang trabaho. Hindi niyo alam kung anong nararating ng anak nilang determinado,” sabi ni Richard.
Photo from Richard Licop
Photo from Richard Licop
Sa ngayon ay umabot na sa 64k reactions at 41k shares ang post ni Richard.
Narito ang kanyang buong post:
“Dear #BuknoyGlamur , Erpat kong Tricycle driver nga pala. 300 lang kita nyan kada araw. Nangingitim at amoy usok pag umuuwi yan. Kung anong baba ng tingin mo, Siyang taas naman ng pangarap ko para sa Taong yan at dahil sa "Tricycle" na yan, Napatapos ako sa pagaaral at Naaabot ko na lahat ng pinangarap ko noon!
Pag may time ka, Dalaw ka naman sa HairHouse Salon , AKIN YON . pili ka nalang sa dalawang branches sa Makati. Sagot kita. i-Footspa kita at ako pa mismo mag rerebond sayo. Susunduin at Ihahatid pa kita ng sasakyan na napundar ko .
"Wag niyong mamaliitin ang mga magulang na mababa lang ang trabaho. Hindi niyo alam kung anong nararating ng anak nilang determinado."
Pahabol Buknoy, Katas pa pala to ng Tricycle na yan.
Vlogger din ako gaya mo pero sarili ko ang ginagawa kong katawa-tawa hindi ang ibang tao.”
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
***
Source: Richard Licop | Facebook