Restaurant server sa California, ipinagtanggol ang pamilyang Pinoy mula sa isang customer - The Daily Sentry


Restaurant server sa California, ipinagtanggol ang pamilyang Pinoy mula sa isang customer





Screenshot mula sa video na binahagi ni Jordan Chan


Nag viral ang video na kuha ni Jordan Chan kung saan ay nakunan niya na inaatake ng isang racst na lalaki ang kanyang pamilya habang kumakain sa isang restaurant.

Kinilala ang lalaki na isa rin palang immigrant at customer sa nasabing restaurant na si Michael Lofthouse, CEO umano ng isang tech company.  


Nang masaksihan ng isang waitress ang pamilyang Fil-Am sa California na nakaranas ng pambabastos mula kay Lofthouse, alam niya na kailangan niyang tulungan ang mga ito.

“I felt very protective of them,” ayon pa kay Gennica Cochran sa KGO-TV sa isang ulat nito noong July 9. Siya ay bahagi ng hospitality industry sa lob ng 20 taon.

“Most of these people, this is the first time that they’ve been out to dinner and then you have someone attacking them it was just no, no, I don’t have time for this,” ayon pa sa waitress na isa ring Yoga instructor.

“Say that again,” ang narinig ni Cochran mula kay Chan kaya napukaw ang kanyang atensyon. At kahit hindi siya ang naka assign na magsilbi sa table ng pamilya ni Chan ay agad siyang sumaklolo at inutusan si Lofthouse na umalis na. *

Screenshot mula sa video na binahagi ni Jordan Chan


Ang video ay binahagi ni Chan sa kanyang social media account noong Lunes, July 6 para ipakita sa mga netizens ang mukha ni Lofthouse nang harass sa kanyang pamilya.


Naaalala rin ni Cochran na bastos daw makipag usap si Lofthouse sa kanyang manager, nagpalipat pa daw ito ng lamesa at paulit ulit na pinapabalik ang pagkain.

Nang makita niya ang pamilyang Orosa at Chan ay na-harass, agad siyang sumaklolo sa mga ito at sinabi kay Lofthouse na hindi ito welcome sa kanilang restaurant.

“You need to leave right now. Get out, you are not allowed here, get out now. You do not talk to our guests like that, they are valued guests, you are not allowed here ever again!” ang maririnig na sinabi ni Cochran kay Lofthouse sa naturang video. *

Screenshot mula sa video na binahagi ni Jordan Chan


“To hear the emotion coming out of my voice, to see my mannerisms, it was unbelievable,

“It was just something that came over me and I just did what needed to be done.” Ayon pa kay Cochran

“To have someone hate you just because of the way that you look, that’s beyond me. I don’t understand it,” dagdag pa ng Amerikanang waitress

At para sa kanyang mensahe sa pamilyang Orosa at Chan, aniya “I love you. I’ve got your back always.

“I will always speak up for you and please come back to Bernardus, I’d love to buy you a drink. And please just know that those words are not the values of the people that live here on the Monterey Peninsula.” Ayon pa kay Cochran

Hinikayat din niya ang publiko na lumaban at tumulong sa mga nakakaranas ng ganitong uri ng pang aapi.


Ang naturang video ay umabot na sa milyun-milyong views mula sa iba’t ibang social media platforms.

Samantala, humingi na din umano si Lofthouse ng paumanhin sa nangyari dahil nawalan daw siya ng control. Tinuruan din daw siyang rumespeto sa ibang lahi ngunit hindi naniwala ang pamilya Orosa sa kanyang paumanhin.

Laking pasasalamat naman ng pamilya kay Cochran at sa iba pang staff ng restaurant sa tulong ng mga ito.