Larawan mula kay Alexiefe Sulit Cataquiz |
Marami ang humangang netizen sa ginawa ng hindi pa nakikilalang babae na hindi manlang nagdalawang isip na tulungan ang tatay at anak nito.
Ayon sa post ng isang netizen na si Alexiefe Sulit Cataquiz, nakita ng babae ang mag-ama na namamalimos sa labas ng nasabing fast food kung kaya naman hindi ito nagdalawang isip na papasukin at ilibre sila ng makakain.
Larawan mula kay Alexiefe Sulit Cataquiz |
Larawan mula kay Alexiefe Sulit Cataquiz |
"Sya po yung tumulong sa mag-ama na nagugutom, may nakita syang namamalimos sa labas ng Jollibee, yung iba umiiwas, yung iba naman pinagtatabuyan sila dahil sa itsura nila, gutom na gutom daw po itong mag-ama dahil malayo pa ang pinanggalingan nila naglakad lang sila dahil walang pamasahe" ayon kay Alexiefe.
Larawan mula kay Alexiefe Sulit Cataquiz |
"Itong si ate naawa kaya pinapasok nya sa Jollibee, inorderan ng pagkain, inasikaso at binigyan pa ng konting pera pamasahe," dagdag ni Alexiefe.
Labis-labis umano ang pasasalamat ng matandang lalaki kay ate dahil sa pagpapakita nito ng pagmamalasakit sa kanila kahit na ganoon ang kanilang itsura.
Larawan mula kay Alexiefe Sulit Cataquiz |
Larawan mula kay Alexiefe Sulit Cataquiz |
"Guys.. pasikatin natin itong babae..
"Sya po yung tumulong sa mag-ama na nagugutom, may nakita syang namamalimos sa labas ng Jollibee, yung iba umiiwas, yung iba naman pinagtatabuyan sila dahil sa itsura nila, gutom na gutom daw po itong mag-ama dahil malayo pa ang pinanggalingan nila naglakad lang sila dahil walang pamasahe, pero itong si ate naawa kaya pinapasok nya sa Jollibee, inorderan ng pagkain, inasikaso at binigyan pa ng konting pera pamasahe, labis ang pasasalamat ni tatay kay ate dahil sa pagmamalasakit at kabutihang ginawa sa kanila.. Kung sino man po itong ginang na ito, saludo kami sa'yo! nawa'y pagpalain ka ng Poong may Kapal.. thumbs up"
Larawan mula kay Alexiefe Sulit Cataquiz |
****
Source: Alexiefe Sulit Cataquiz