Pinoy Engineer nanalo ng P3.5 Million sa isang international contest gamit ang kanyang bamboo house design - The Daily Sentry


Pinoy Engineer nanalo ng P3.5 Million sa isang international contest gamit ang kanyang bamboo house design



Talagang nakakamangha ang mga Pinoy pagdating sa iba’t ibang larangan. Hindi maitatanggi na kaya nating makipagsabayan sa ibang lahi.
Earl Patrick Forlales / Photo credit to the owner

Ito ang pinatunayan ng isang Pinoy Engineer nang magbigay ito ng karangalan sa ating bansa matapos maiuwi ang grand prize sa Royal Institute of Chartered Surveyors’ (RICS) dahil sa kanyang disenyong “Cubo.”

Ang 23-taong gulang na engineer na si Earl Patrick Forlales ay nagtapos sa Ateneo de Manila. Sa bilang na 1,200 entries sa buong mundo, si Forlales ang nagkamit ng tagumpay at nag-uwi ng  £50,000 o P3.5 million.

“Cubo”, ang itinawag ni Forlales sa disenyong kanyang ginawa dahil na rin sa ang materyales na ginamit dito ay kawayan at maaari itong mayari sa loob lamang ng apat na oras. Ayon pa sa ulat, tinatayang nasa P3,000 lamang ang aabuting halaga ng kabuuang magagastos sa pagawa nito.
 Photo from Youtube/RICS
Earl Patrick Forlales / Photo from Facebook

"CUBO started as nothing more than an idea, conceived while spending time at my grandparents’ house – it is incredible to think that it now will become a reality,” sabi ni Forlales sa isang interview ng ABS-CBN.

It’s a functional home on its own, but it’s more than just a house. It’s design to turn community waste into energy and other vulnerable resources," pahayag ng binata.

As it releases 35% more oxygen than tress and can be harvested annually without causing degradation,” dagdag pa nito.

Para kay Forlales, ang ginawa niyang ito ay isa rin sa maaaring maging solusyon ng ating gobyerno para sa patuloy na pagdami ng mga informal settlers sa Maynila at mabigyan ang mga ito ng mas maayos na matitirhan.
 Photo from Youtube/RICS
Photo from Youtube/RICS

With the Government’s Build Build Program there will be more construction workers coming into the city… We want our workers who are producing our high-rise multi-storey level buildings to have dignified housing of their own,” saad ni Forlales.

Maging ang presidente ng RICS competition na si John Hughes ay namangha sa disenyo ni Forlales.

"The world’s cities are growing all the time and there is a real need to make sure they are safe, clean and comfortable places to live for future generations," sabi ni Hughes sa online video interview ng ABS-CBN.

"There were many exciting, original designs among the submissions, however Earl’s idea stood out for its simple, yet well thought through solution to the world’s growing slum problem," dagdag nito.
Photo from Youtube/RICS

Planong gumawa ni Forlales ng 10,000 units, bago pumasok ang taong 2023.

Balak din umano nitong magtayo ng isang prototype model na maari niyang ipakita sa mga magiging investors, kaya naman ang perang kanyang napanalunan ay inilalaan niya para dito.


***