Pedicab driver nag shoplift ng dalawang luncheon meat, sa kulungan bumagsak - The Daily Sentry


Pedicab driver nag shoplift ng dalawang luncheon meat, sa kulungan bumagsak






Larawan mula sa ABS CBN


Timbog ang Isang shoplifter ang nahuli sa akto habang nang-oomit umano ng dalawang lata ng luncheon meat sa isang grocery sa Paco, Maynila, Biyernes ng tanghali.

Ayon sa detalye, napag-alaman na isang pedicab driver pala ang suspek na isang 53-anyos na lalaki ay taga Balagatas, Bulacan, na nahuli ng mga security officers ng Super 8 Retail Systems Inc. na may ninakaw umano na dalawang lata ng imported na Spam luncheon meat na nagkakahalaga ng P381.


Pahayag ng mga pulis, ang pedicab driver umano ay isa ring miyembro ng sindikato, na dinala ng mga security officers na nakahuli ditto at kasalukuyang nakapiit sa Paco Police Community Precinct, Manila Police District (MPD).

Sumailalim na sa medical check-up bago ito inihatid sa Ermita Police Station kung saan ay kasalukuyan itong nakapiit sa kasong kinakaharap.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong kriminal dahil sa shoplifting. Inihahanda na ang kasong isasampa sa pedicab driver na ihahain sa Manila City’s Prosecutor Office.

The suspect will be facing criminal charges for theft thru shoplifting. The case will be filed before the Manila City’s Prosecutor Office for evaluation and recommendation.

Dagdag ng pulisya, narekober ang luncheon meat mula sa suspek.

Sa gitna ng krisis na dinadanas ng ating bansa maging sa iba’t-ibang lupalop ng mundo, ay marami sa ating mga kababayan ang dumaranas ng sobrang kahirapan sa buhay dahil na din sa pagkalat ng pandemyang corona virus.

Marami mga kumpanya at mga establisyemento ang nagsara, at marami ang nawalan ng hanap-buhay at pagkakakitaan dahil sa pagsunod sa ilag mga health protocols upang maiwasan ang pagkahawa sa kinatatakutang sakit.


Isa na dito ang sector ng transportasyon gaya na lamang ng mga kababayan nating mga namamasada gaya ng mga tsuper ng jeep, bus, tricycle driver at maging ang maliliit na paedicab driver na umaasa lamang sa pang-araw-araw na kita at ika nga ay ‘isang kahig isang tuka’.*

Dahil dito, marami sa kanila ang umaasa na lang sa ayuda ng gobyerno at mula sa ibang tao na kusang loob na nag-aabot ng kaunting tulong sa kanila. Ang iba pa sa mga kababayan nating mga tsuper at drivers ay napilitan na lang mamalimos sa mga daan habang ang kanilang mga sasakyan ay ilang buwan na ding naka-tengga.

Samantala, marami sa mga netizens ang di mapigilan na maawa sa pedicab driver at maki simpatya lalo na sa krisis na nararansan ngayon sa bansa. Narito ang ilan sa kanila:

“Naranasan ko rin magutom sa hirap ng buhay noon pero hndi ko nagawa magnakaw.. Pero sana hndi nalang kinulong kong sa maliit na halaga lang, kahit sana community service nalang.. or sana pagtrabauhin nyo ng isang araw tapos sahuran nyo. Food need nyan para sa pamilya.. mahirap talaga maging mahirap.”

“I know mali ang ginawa mo sa mata ng batas but I will choose to understand your reasons behind why you had to do what you did. Hindi kita huhusgahan. Sana may mabuting loob na tutulong sa kaso mo kuya. In this difficult time, stay strong po.”


“Masamang magnakaw pero sana pinabayaran na lang yung kinuha nya kesa po ikulong sya.Paano na lang po yung family nya na umaasa po.Sana patawarin nyo po,bigyan nyo ng isang chance,pag umulit doon nyo na po bigyan ng lesson.”