Photo courtesy of Facebook @Cavite Connect |
Marami sa ating mga kababayan ang nakararanas ng kahirapan
dahil sa pandemyang dulot ng Corona virus. Nagdeklara ng lockdown ang
pamahalaan upang mapigilan ang pagdami ng mga apektado nito.
Naging mahirap ang pamumuhay para sa marami nating mga kababayan, at hindi sapat kung aasa na lamang sa ayuda mula sa pamahalaan. *
Naging mahirap ang pamumuhay para sa marami nating mga kababayan, at hindi sapat kung aasa na lamang sa ayuda mula sa pamahalaan. *
Kaya naman kanya-kanyang paraan ang ginagawa ng marami sa
ating mga kababayan. Nariyang pinasok ang online selling ng kanilang mga
produkto, ang iba naman ay delivery service, at iba pa, mairaos lang ang pang
araw-araw na pangangailangan.
Isa na rito ang sitwasyon ng isang lola mula sa Malingas,
Dagupan, na kahit sa labis nang katandaan ay nakukuha pa rin maghanap buhay sa
pamamagitan ng pagtitinda ng hipon sa palengke upang may maipangtustos sa
kanyang pamilya.
Ngunit sa kasamaang
palad, natyempuhan si lola ng mga walang pakundangang barangay tanod sa
kanilang lugar at imbes na pagsabihan na lang muna ay tinapon na lang sa kalsada
ang kanyang mga tinitindang hipon.
Ayon sa mga concerned citizen na nakakita sa pangyayari,
nagtitinda ng hipon si lola sa gilid ng sidewalk dala ang kanyang mga balde at
tray na lagayan ng mga hipon. *
Photo courtesy of Facebook @Cavite Connect |
Bagaman sinabihan na ang matanda na wala syang maayos na
stall, kaya hindi sya pwedeng magtinda hipon sa nasabing lugar.
Nagmamakaawang nakiusap ang matanda na kung maaari ay payagan
syang magtinda dahil ito lamang ang kaya nyang gawin at tanging magpagkakakitaan
dahil na rin sa kanyang katandaan.
Ngunit tila nagtengang kawali ang mga barangay tanod sa
nasabing lugar, at hindi nila pinagbigyan ang kahilingan ng pobreng matanda o
di kaya ay bigyan na lamang na matinong lugar kung saan maaari itong
makapagtinda kahit sa isang maliit na sulok lamang.
Nagalit ang mga ito, at pwersahang pinaalis si lola at ang masama
pa ay nagawa pang itapon ang kanyang mga panindang hipon sa gilid ng kalsada.
Wala nang nagawa ang pobreng matanda kundi ang umiyak na lang habang dinadampot ang kaniyang
mga natapong paninda. *
Photo courtesy of Facebook @Cavite Connect |
Maraming mga tao ang naka-saksi sa ginawa ng mga tanod sa
paninda ni lola. May isang concerned citizen ang nag-upload ng mga larawan ni lola
at agad itong kumalat sa social media. Maraming netizens ang naawa at nagreact
sa ginawa ng mga abusadong barangay officials sa kaawa-awang matanda.
Ayon sa post ng isang concerned citizen na may caption
itong, “Kawawa naman si lola na nagtitinda ng hipon sa gilid ng Maligas sa
Dagupan, tinapon yung mga paninda nya dahil bawal daw magtinda dun, pwede naman
sabihan si Lola na bawal pala dyan magtinda hindi yung itatapon nyo paninda
nya, yan lang naman alam ni lola na mapapagkakitaan para mabuhay ipagkakait nyo
pa! May pandemic na nga lalo nyo pang pinahirapan si lola.”
Makikita sa larawan na maraming tao ang nakakita sa
pangyayari ngunit wala ni isa sa mga taong ito ang tumulong sa matanda habang isa-isa
nyang dinadampot ang mga panindang hipon.*
Photo courtesy of Facebook @Cavite Connect |
Kalaunan, ay may isa sa kanyang mga kasamahang vendor ang
tumulong sa kanya na damputin ang mga paninda.
Maraming netizens ang nagpahayag ng galit at pagkadismaya sa
mga walang awang barangay officials na gumawa nito kay lola. Karamihan sa
kanila ay humihingi ng hustisya upang pananagutin ang di angkop na pagtrato sa
matanda na nais lamang kumita ng kaunti upang may maipangbili para sa kanilang
mga pangangalangan sa araw-araw.
Narito ang mga komento ng mga netizens sa insidente:
“Sana po
pag tayo nagpapatupad ng batas konting respeto po lalo n sa mga matatanda wag
kang angas ha kalma lang po”
“Sana hnd
nyo tinapon kinausap nyo lng ng maayus wla kyong awa sa lola salbahe Kyo sna
matanda nyo ganyan din ang gawin sa inyo dapat Kyo maparusahan sa ginawa nyo sa
matanda.”
“Klangan b
tlg itapon?! Nu klase tao yn dpat bigyan rn leksyon ung gumawa yn d makatao eh.
Kh8 Sabihin p ntin matigas ulo ng nagtitinda pro d dapat itapon paninda nla kc
namumuhunan rn yn cl pr may mailatag s hapag kainan. Bigyan nyo tamang lugar pr
makapagtinda...sita kau ng sita d nyo nman binibigyan ng space pr makapagtinda
ng maayos”
“Ang mahal
ng puhunan ng mga hipon na paninda ni lola gsto lng niya maghanap buhay para my
pantustus sa araw2 na pamumuhay nila tapos itatapon niyo lang!anong klaseng mga
tao kayo at anong utak meron kayo!hindi kayo nkakatulong kundi dagdag problema
kayo sa lipunan mga mayayabang.” *