Panawagan ng netizen sa gobyerno: “Hindi safe tong barrier na gusto niyo” - The Daily Sentry


Panawagan ng netizen sa gobyerno: “Hindi safe tong barrier na gusto niyo”



Upang maipatupad ang social distancing ay hindi muna pinapayagan angkas sa motorsiklo. Kahit na mag-asawa at nakatira sa iisang bubong ay tinututulang mag-angkas ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Photo credit: Dla Crz Eia Facebook

Hindi nga naman makatarungan ang ganitong patakaran dahil ang mag-asawa ay nagtatabi naman kung matulog. Kaya maraming netizen ang pumupuna o bumabatikos sa batas na ito. 

Gayunpaman, simula Hulyo 20 ay papayagan na umano ang back-riding ngunit kailangan ay mayroong barrier ang motorsiklo. 

Samantala, viral ngayon ang Facebook post ng isang netizen patungkol sa kanyang pakiusap sa gobyerno na itigil ang pagpapatupad ng motorcycle barrier.

Sa post ni Dla Crz Eia, ikinuwento niya ang nangyaring aksidente sa kanilang mag-asawa habang magka-angkas at may gamit na barrier.

Ani Eia, sila mismo ang nagpagawa ng barrier dahil gusto nilang sumunod sa batas. Kwento niya, excited silang mag-asawa na magsimba sa Quiapo dahil sa wakas ay pinapayagan na ang back-riding basta may barrier.

Noong papunta sila ng Quiapo ay wala umanong naging problema. Pinara pa raw sila ng isang enforcer at tinanong kung nahihirapan daw ba sila sa barrier.

“sbi namin hndi naman po kase maganda talaga yare, hndi nililipad ng hangin, hndi hahampas sa mukha ko.”

Ngunit ng pauwi na sila ay may isang biker umano na biglang tumigil sa harap nila kaya naman napapreno ang kanyang asawa at dumulas na sila.

Hindi naman malubha ang nangyari sa kanila ngunit nakita umano ni Eia kung gaano kadelikado ang barrier. Mismong ang kanyang asawa ay hindi nakatayo dahil nakasuot parin sa kanya ang basag basag na barrier.
 Photo credit: Dla Crz Eia Facebook

Photo credit: Dla Crz Eia Facebook


hndi po kami mamamatay sa semplang pero yung mga basag na piraso na muntik ng sumaksak samin pareho ang ikakamatay namin kung sakali,” sabi ng netizen.

Sa huli ay nakiusap si Eia sa gobyerno na pakinggan ang panawagan ng mamamayan dahil hindi safe ang motocycle barrier.

Narito ang kanyang buong post:

"Sumusunod kami sa mga utos at gusto ng mga nagpapatupad nitong barrier. Hindi kami naaksidente dahil sa barrier. This morning nagsimba kami sa Quiapo after 4 months lockdwon masaya dahil pinayagan na ang magkaangkas ang mag asawa. On our way pinara kami ng isang official tumabi kami sya mismo nagtanong kung hndi ba kami nahihirapan sa barrier namin sbi namin hndi naman po kase maganda talaga yare, hndi nililipad ng hangin, hndi hahampas sa mukha ko. Kaso nakaka panibago ksi above the head ang kelangan. Then eto na po pauwi namin, namili muna kami ng prutas , paglagpas lang ng hi-top sa may cubao may biker na parang wla sa sarli hndi din kami mblis magpatakbo around 20 lang ang takbo nmin sya ang bglang tumigil at gumitna pa . Napa preno asawa ko hanggang sa dumulas na kami sa buhangin SALAMAT KAY LORD na hndi kami pa den pinabayaang magulungan ng sasakyan o ano pa man dhl naka dapa kami pareho sa kalsada may mga ilang tumulong naawa ako sa asawa ko dhil hndi sya makahinga naka suot pa sknya yung barrier na basagbasag hndi po sya safe pls lang wag na po sana mag barrier again bumili ako nagpagawa ako dhil sumusunod kami sa gusto nyo pero sana makarating to sainyo hndi po kami mamamatay sa semplang pero yung mga basag na piraso na muntik ng sumaksak samin pareho ang ikakamatay namin kung sakali . Bute puro sugat galos lang kami at ang motor nmin sira lang nya yung lagayan ng cp at gasgas na tapalodo sa lakas ng impact namin kanina napapikit na lang ako at nsbi ko sa asawa ko na ok kalang ba dahil hndi sya talaga makahinga dibdib nya tumama sa motor ska sa kalsada. Halika kaya mo ba dahil wla man lang tumawag ng opisyal puro by standers lang wlang tutulong kako saten dto kaya umuwi na lang kame nakaka lungkot tong ngyare smin . Sana po pakinggan nyo yung panawagan na hndi safe tong barrier na gusto nyo again sumunod kami , hndi nga dahil sa barrier kami naaksidente pero nakakatakot tlaga .picture posted 

#tyl at eto lang ngyare samin .

#pakinggan nyo kami na sununod naman po sainyo pero di talaga okay sana po jacket facemask gloves helmet nalang tayo maawa naman po sana kayo sa mga rider."






***