Larawan mula kay Donna Videng |
Viral sa social media ang post ng isang netizen na si Donna Videng kung saan ay ibinahagi nito ang kanyang naging karanasan bilang isang online seller.
Ayon kay Donna ay dasal, lakas at tibay ng loob ang kanyang naging puhunan para maabot ang kanyang inaasam naipon na umabot na sa million.
Noong una at hindi umano naging madali ang naging karanasan ni Donna sa pagtitinda online dahil maging ang kanyang ina ay tutol dito dahil hindi daw siya pinag-aral upang magtinda lamang online.
"Lahat ng ito ay hindi po naging madali.. nung una, lahat against saakin. kapag sinasabi ko na magbebenta ako nito walang sumasang ayon lalo yung mother ko.. na hindi daw nya ako pinag aral para magtinda tinda." ayon kay Donna.
Pero dahil nagtiyaga at sinunod ni Donna ang nais ng kanyang puso at isip ay ipinagpatuloy pa rin niya ito kahit na madami ang tila minamaliit lamang ang kanyang ginagawa.
Larawan mula kay Donna Videng |
Kwento ni Donna, nag-umpisa lamang siya sa puhunang 5,000 at naging 100,000, umangat pa ito ng 700,000 at ngayon ay 1,000,0000 na ang kanyang ipon.
"Eto na po yung from 5k naging 100k, 700k at ngayon 1M na po .. Yes I made it nitong pandemic. We made it." kwento ni Donna.
"Ang moral lesson po para sakin, wag po magpapaapekto sa sasabihin ng iba kahit pamilya, kasi sarili din po natin ang makakagawa at makakapag paangat satin kapag hindi po tayo nagpadala sa mga negatibong bagay." payo ni Donna.
Basahin sa ibaba ang buong post ni Donna:
"DASAL, LAKAS AT TIBAY NG LOOB, yan po ang puhunan ko para maachive itong Million Journey ko.. Lahat po ng ito ay hindi ko pinlano bigla nalang dumating ang opportunity, at sinabayan ko. Sa awa ng Diyos.. eto na po siya.
"Pero lahat ng ito ay hindi po naging madali.. nung una, lahat against saakin. kapag sinasabi ko na magbebenta ako nito walang sumasang ayon lalo yung mother ko.. na hindi daw nya ako pinag aral para magtinda tinda. Don't bash her.. kasi totoo po, mahirap lang kami at pinilit nya po ako mapag tapos sa magandang university kahit magka utang utang sya.. at ayun, for.. 4years of being employed ay enough na siguro dahil may sarili na rin akong pamilya.. Pero ngayon pinaintindi ko na po sakanila na eto ang gusto ng puso at isip ko. ang mag benta online at kung ipagkakaloob pati sa physical store na din sana. May trabaho po ang husband ko at kahit anong bisyo ay wala sya. sa totoo lang sya po yung mas tight sa budget, minsan binigay nya sakin ATM nya pero ako sa sarili ko alam ko na hindi ako magaling mag manage, kaya ang usapan namin sya na maghawak ng pera nya basta alam nya ang gastos sa bahay. pati ang insurance namin. ako naman ang bahala dumiskarte sa pang bayad ng sasakyan namin., resigned na po ako sa work kasi halos wala din naman po natitira.. kaya kahit anong makita ko na pwede ibenta online e binibenta ko po.. masasabi ko po na Sobrang match kami ng asawa ko kasi sya ang conservative samin pagdating sa pera. ako naman po ang aggressive. kaya lahat ng planuhin ko eh ihihingi ko muna ng opinyon sakanya, Eto na po yung from 5k naging 100k, 700k at ngayon 1M na po .. Yes I made it nitong pandemic.. We made it.. sobrang dami pong pagsubok, hindi ko na po alam noon kung saan ko kukuhanin ung panghulog ko ng sasakyan, ngayon po, pwede ko na po sya bayaran ng cash huhu pero wise decision din naman po siguro kung hindi ko na muna icash at gamitin ko ulit puhunan para sa napupusuan ko ulit na itinda..
"Hindi ko po muna pinag resign ang asawa ako sa trabaho nya kasi kaya ko pa naman po. iba parin ung may stable na trabaho habang hindi pa maayos lahat. kapag okay na po siguro ang lahat saka ko sya patulungin sakin ng buo.
"May nakapending pa po kami na 200k pesos na meron may utang samin. huhu at may mga papasok pa po na sales, hindi po ako nandito para sa negative comment..masaya lang po ako kasi ako yung bumuo sa pangarap ng husband ko na magkaroon sya ng 1M at the age of 25., (biglaan din po kasi yung pag aasawa naming dalawa)
"Ayun lang po.
"Ang moral lesson po para sakin, wag po magpapaapekto sa sasabihin ng iba kahit pamilya, kasi sarili din po natin ang makakagawa at makakapag paangat satin kapag hindi po tayo nagpadala sa mga negatibong bagay.
"Hindi po ako magaling magkwento, sana maunawaan nyo pa din po. maraming salamat po..
Sana ay mayroon kayong natutunan sa naging pag-babahagi ni Donna sa kanyang naging karanasan sa buhay. Na sana ay huwag na huwag magpapadala sa mga negatibong bagay at palaging sundin kung ano ang sinasabi ng iyong puso at isip at syempre kailangan mo din itong sabayan ng pananalig sa Diyos.. Goodluck saiyong magiging susunod na hakbang.
Sana ay mayroon kayong natutunan sa naging pag-babahagi ni Donna sa kanyang naging karanasan sa buhay. Na sana ay huwag na huwag magpapadala sa mga negatibong bagay at palaging sundin kung ano ang sinasabi ng iyong puso at isip at syempre kailangan mo din itong sabayan ng pananalig sa Diyos.. Goodluck saiyong magiging susunod na hakbang.
****
Source: Donna Videng