Kahit gaano man kasarap ang ating ulam kung wala naman itong kasamang kanin ay tila hindi kumpleto ang ating hapag kainan.
Sa bawat pamilya ay napaka importante ng kanin dahil nakakapagpalakas ito ng katawan at madaling nakakapag-pabusog sa isang tao.
Isa namang paraan sa pagluluto ng kanin ay ang paggamit ng rice cooker. Bukod sa mabilis ay hindi mo na ito kailangang bantayan kaya makagagawa ka pa ng ibang gawaing bahay.
Samantala, isang netizen ang nagpost patungkol sa kakaibang amoy ng kanilang rice cooker tuwing sila ay nagsasaing.
Ayon kay BigD Reyes, matagal na silang nagtataka kung bakit palaging nag-aamoy prito ang kanilang kanin.
Ilang beses na raw nilang hinugasan at nilinisan ang kanilang rice cooker ngunit nangangamoy prito parin ito. Gayunpaman, hindi naman naaapektuhan ang lasa ng kanin.
Dahil sa hindi malamang kadahilanan ng amoy prito, nagpasya si Reyes na buksan na ang loob ng rice cooker.
Laking gulat nina Reyes ng makita ang nasa loob ng kanilang rice cooker. Tumamdad sa kanila ang mga pritong butiki. Hindi lamang dalawa o tatlo, maraming butiki!
Mga butiki pala ang napriprito tuwing nagluluto sila ng kanin.
Mga butiki pala ang napriprito tuwing nagluluto sila ng kanin.
“Nagtataka kami palagi bat amoy prito kanin namin pero masarap, nung buksan namin yung rice cooker wow magic may Butiki edi inulam namin solid eh,” sabi ni Reyes.
Nagmistula namang palaisipan sa marami kung papaano nakapasok sa loob ng rice cooker ang mga butiki.
Dahil sa nakakatawang pangyayaring ito, umabot na sa 38k reactions, 22k comments at 76k shares na ang nasabing post ni Reyes.
***
Source: BigD Reyes | Facebook