Simula ng magdeklara ng lockdown sa iba't-ibang bahagi ng bansa upang malabanan ang pagkalat ng C0VID-19, nagbago ang pamumuhay ng karamihan—kung hindi man lahat—sa isang iglap.
Bunsod ng umiiral na enhanced community quarantine, ang mga maralita ang pinaka nahihirapan sa kasalukuyang sitwasyon na labas sa kontrol ninoman.
Ganito ang kwento ng isang matandang lalaki na hindi natanggap ang inaasahang sahod dulot na rin marahil ng limitadong paggalaw sa mga komunidad.
Sa kanyang Twitter posts, ibinahagi ng good samaritan ang ginawa nyang pagtulong sa isang matandang lalaki.
Ayon sa netizen na may Twitter username na @itsjustknix, naggo-grocery sya sa KCC mall nang bigla syang lapitan ng isang matanda para magpatulong sa pag-withdraw ng sahod nito.
Sa kasamaang palad, walang laman o hindi pumasok ang sahod na inaasahan ng lalaki.
Kwento ng babae, dahil walang masakyan, naglakad pa umano ang matanda mula Guiwan makarating lang sa KCC mall para mag-withdraw at mamili ng pangangailangan ng kanyang pamilya.
READ Nurse, pinangaralan ang mga artistang nagpahayag ng galit sa pamahalaan
Pagdedetalye ng netizen, janitor raw ang lalaki sa isang agency at sumasahod ng P6,000.00+ kada buwan.
Subalit dahil walang sinahod ang naturang janitor, inabutan na lamang sya ng babae ng P2,000.00. Pera na gagamitin raw sana nyang pambili ng LPG sa bahay at pang-gas sa kotse.
Pagpapatuloy ng good samaritan, nagalit umano ang lalaki sa kanya. Hindi dahil nainsulto ito o anuman, ngunit kundi para sa matanda, sobra-sobra umano ang binibigay na tulong ng babae sa kanya.
Sinabihan raw sya ng matanda na kunin na lang ang perang binibigay sa kanya at babalik na lang daw sya sa mall kapag may sahod na.
Pinilit umano ng babae ang lalaki na tanggapin ang kanyang inaalok na tulong dahil napakalayo ng nilakad ng matanda para lang masayang sa wala.
Sa pagkakataong iyon, pinababa ng matanda sa netizen ang kanyang mask para raw matandaan nya ang mukha ng babaeng may mabuting kalooban. Bagay na muntik umanong nagpaluha sa babae habang kausap nya pa ang tinulungan, kung kaya lumakad na raw sya palayo sa matanda dahil sa hiya na baka umiyak pa sya sa harap ng lalaki.
Narito ang Twitter thread: