Hindi ito inaasahan para sa isa lang sanang ordinaryong araw ni Jomar Rapatan habang siya'y nakasakay sa isang bus nang may nakasabay siyang dalawang mga lalaki.
"Sila yung dalawang lalakeng naka sabay ko sa Bus, pag upo plang nila kita na sa mukha nila yung saya. Tuwang tuwa sila parang first time lang maka sakay ng bus. Akala ko birthday ng isa or my celebration lang." saad niya.
Preso | Isang paglalarawan lamang |
"Bigla nalang akong kinausap ng isang lalake at sabi niya. ''Laya na kami", Galing daw silang Bilibid," dagdag niya.
Humiram pa umano ang isa sa kanila ng kanyang cellphone, nakikisuyo upang makausap at maihatid ang isang magandang balita sa nawalay niyang pamilya.
"Bungad niya sa tatay niya ng nakausap. ''Tatay laya na ako!!","
Naging mapait man daw ang kinahinatnan nila dahil sa maling bisyo, ngunit daan pa ito upang makilala nila ang Diyos.
"Isa sa mga nagustuhan kong nakwento ni manong sakin eh, kung di daw siya nakulong di siya magiging "Born again" at di siya mapapalapit kay Lord. 🙏,"
Larawan kuha mula sa post ni Jomar Rapatan |
Narito ang buong kwento ni Jomar Rapatan:
Sila yung dalawang lalakeng naka sabay ko sa Bus, pag upo plang nila kita na sa mukha nila yung saya. Tuwang tuwa sila parang first time lang maka sakay ng bus. Akala ko birthday ng isa or my celebration lang.
Bigla nalang akong kinausap ng isang lalake at sabi niya. ''Laya na kami", Galing daw silang Bilibid. Nakulong sila halos sampung taon dahil sa dr*ga. (di ko alam kung anong magiging reaction ko, kasi di nmn ako sanay makipag usap sa di ko kilala, ang nasabi ko nalang congrats!
Lol, di ko alam kung appropriate ba yun or what). Ang dami nilang kwento tungkol sa experience nila habang nasa loob ng Bilibid (feeling close na kami sa isa't isa), daming pasabog ni manong (medyo confidential).
Nag tanong si manong kung pwede daw ba siyang Maki hiram ng cellphone at tatawagan niya ang pamilya niya, di ako nag dalawang isip. nag paload pa ako sa bdo app para mag ka load at makatawag si manong sa pamilya niya. Bungad niya sa tatay niya ng nakausap. ''Tatay laya na ako!!".
Akala ko sa pelikula ko lang makikita yung mga ganung eksena. Ramdam ko yung galak ni manong habang kausap niya yung tatay niya. Isa sa mga nagustuhan kong nakwento ni manong sakin eh, kung di daw siya nakulong di siya magiging "Born again" at di siya mapapalapit kay Lord. 🙏
Everyone makes a mistake in life, but that doesn't mean they need to pay it for rest of their life. They deserve a second chance to make things right. And prove that they could be better even they fail.
#free
#late
Source: Jomar Rapatan
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!